“There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment”
- Sarah Dessen
ALY P.O.V
Nagising ako ng may ngiti sa aking mga labi. Tinignan ko si Den at ayun, tulog pa. himbing himbing ng tulog ng girlfriend ko. “girlfriend” sabi ko sa sarili ko. grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na yung pangarap ko, natupad na. everything felt so surreal. I slap myself to wake up just incase panaginip lang ang lahat ng ito. But no. im here standing looking at Denden beautifully sleeping on her bed. Gusto ko siyang lapitan pero baka magising lang siya. wala naman kaming training or pasok kasi Sunday ngayon. Nagshower muna ako sandali at nagbihis. Jogging lang ako sandali, siguro naman pagbalik ko tulog pa tong si Den. ipagluluto ko siya ng breakfast pagbalik ko.
Pagbaba ko, nakita ko si Marge palabas ng door. Magjojog din ata to. Hinabol ko siya.
“Marge sandali’ sabi ko nung nakalabas siya.
Tumingin naman siya sakin at ngumiti.
“ganda ng gising natin phenom ah, iba din ang aura mo ngayon. Hmmmm. You look really happy. Even your eyes scream happiness.. Sabi ni Marge na nakangiti habang nalalakad kami papunta sa track.
“ive never been happier Marge, she’s my happiness, my dream, ang nag iisang tao na tinitibok ng puso ko” sagot ko sakanya na nangangiti din. Hindi ko kayang itago kung gaano ako kasaya ngayon.
“oh my gods Ly, masyado ka ngang inlove at nagiging corny kana. anyways, ano nga? Magkwento ka naman! Marge said habang nag stretching na kami.
“we’re officially dating, sabi ko na ngiting ngiti. “my girlfriend, and yes if you’re wondering, she finally said those 3 words ive been wishing to hear from her since high school”
“wow Ly, congrats! Im so happy for you! finally! Im so proud of you! tas nag hug siya sakin.
Tara takbo na tayo” sabi ni Marge at nauna nang tumakbo.
We did 20 laps! Grabe! Masyado naman ata akong motivated at inspired, fck! Napagod ako dun. Tinignan ko si Marge, nakahiga na sa track. Hahahahaha!
“fck Alyssa Valdez! Bakit ba ako pumayag na mag 20 laps tayo? Ito ba ang resulta ng pagsagot sayo ni Den? my gods I cant even feel my legs anymore” reklamo ni Marge habang nakahiga.
“baliw. Tayo kana dyan. Luto tayo breakfast!!” masiglang sabi ko kay Marge
“no Aly, magluto ka mag isa. Pagod na pagod kaya ako, naturingan pang magsisimula palang ng araw” wika ni Marge at unti unti ng tumatayo.
“tssss. Wag ka nga Marge. Sarap kaya magpapawis” naglalakad na kami pabalik ng Dorm. pero oo nga, nanghihina na din ang mga paa ko. pero im too happy to care.
“masarap magpapawis pero hindi yung papatayin mo na sarili mo sa kakatakbo! Parang walang bukas” sabi ni Marge tas straight face siyang tumingin sakin.
“hahahahahahaha! Oa kana Margarita ha? Tara na! pagluluto nalang kita ng breakfast! Yung specialty ko! nakakahiya naman sa pagod mo!” natatawang sabi ko kay Marge
“sinabi mo yan Baldo ah!” nakangiti na si Marge
“anyways, Marge, kumusta na kayo ni Baby Ji?”
“okay naman kami. We’re happy” masiglang sagot ni Marge.
“masaya ako para sa ating dalawa, and thank you for being there Marge!” sincere kong sabi sakanya at inakbayan pa siya.