What we find in a soulmate is not something wild to tame but something wild to run with.
- Robert Brault
ALY P.O.V
Nagising ako dahil may paulit ulit na humahalik sakin. Pagmulat ko ng mata, tumambad ang isang Dennise Lazaro na ngiting ngiti. Alam niyo yung kinikilig? hahaha! Tapos lumundag yung puso ko. grabe Denden, mamamatay ata ako sa kilig at sobrang pagmamahal sayo. Hahaha. Ngumiti ako sakanya.
I love you! bati ko kay Denden sabay nag inat ng katawan.
I love you too! Bangon na Ly at maghilamos. May hinanda akong breakfast para satin. Nakangiting sabi ni Denden
Wow. Ikaw ang nagluto? Marunong ka na? asar ko sakanya. Denden never cooks.
Oo ako! nagpaturo ako kay Marge. Now. Up! Up! Maghilamos kana. sabi niya habang hinihila ako para bumangon. Hahaha.
Kakabalik namin kahapon dito sa dorm galing sa Pampanga kagabi. Kaya naman pagod na pagod ako, dahil na din sa ako din ang nagdrive pauwi. Hindi ko namalayan na sobrang himbing na ng aking tulog.
Pero dahil mas malaki ako sakanya, hindi niya ako napabangon, ang nangyari, hinila ko siya pahiga sakin at niyakap.
Hmmmm. Anong meron at pinagluto mo ako Den, tsaka, you smell good. I love you… sabi ko habang yakap yakap ko siya at inaamoy amoy yung leeg niya.
Ly, come on. Bitawan mo na ako, maghilamos kana, para makakain na tayo. and walang occasion. Gusto lang kita ipagluto, and stop smelling me, are you trying to seduce me? Aga aga Valdez. And I love you too. Sabi ni Denden pero nakayakap din naman siya sakin. Hahaha
Oo na, eto na po.
Kumawala ako sa yakap kay Denden, siya din. So tumayo na ako at dumerecho ng bathroom para maghilamos at mag toothbrush. Paglabas ko, nakita ko si Den na inaayos yung kama at nilalapag ang tray ng pagkain. I found myself staring at Denden, napaka swerte ko at minahal niya din ako. araw araw, mas lalo akong nahuhulog sakanya, mas lalo ko siyang minamahal.
You’re staring.
Narinig kong sabi ni Denden at nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. Agad ko siyang hinalikan sa labi, masuyo, puno ng pagmamahal, noong naramdaman ko na nakabawi na si Den sa pagkagulat at magrerespond siya sa halik ko, pinutol ko na . Pagtingin ko sakanya, nakakunot ang kanyang noo. Pinipigilan ko ang matawa kasi alam kong nabitin siya sa halikan namin.
Kaya naman umupo na agad ako sa kama, tinignan ko si Denden at nakatayo pa rin siya. kunot pa din ang noo.
Oh Den, nakatayo kapa diyan, lika na dito sa tabi ko at kakain na tayo. aya ko sakanya.
Pero hindi pa rin siya natinag sa kanyang pagkakatayo.
Den? tawag ko ulit sa kanya.
Lumapit na siya at umupo sa tabi ko.
Bakit tinapos mo agad yung halik mo? Tanong ni Den sakin.
HAHAHAHA. Napangiti ako.
Bakit Den? eh naalala ko lalamig ang niluto mo. Ayokong kumain ng malamig na pagkain, tsaka first time mo akong ipagluto, kaya excited ako. sabi ko habang pinipigilang matawa.