"Malayo pa ba tayo?" hindi ko alam kung nakailang tanong na ako dito kay Kuyang man in black pero kahit isa dun ay hindi niya man lang sinagot.
Napanguso ako at tumingin nalang sa labas.
Excited na talaga ako, ilang puno na ang nabilang ko habang naghihintay na makarating kami. Gusto ko itext si Rianne kaso nakalimutan ko palang magpaload. Ang bobo ko rin minsan eh. Di bale siguro naman may paloadan dun sa Amaranthine
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang gate ng Amaranthine, ang ganda ganda talaga!
Kung pwede ko lang sanang picturan tapos isend kay Rianne, siguradong matutuwa din yun.
Sinundan ng tingin ko ang sign habang papasok kami sa university. Sobrang laki ng ngiti ko habang nakatingin sa labas ng kotse at tinitignan ang paligid.
Gosh, I can't believe that I'm finally here. Parang dati pinapangarap ko lang na makapasok dito tapos...
Hindi kasi dito sa university nagtitake ng entrance exam kundi sa office nila sa city. Exclusive lang kasi ang mga nakakapasok dito.
Akala ko hihinto kami sa harap ng building ng uni pero nagtaka ako ng lumiko ang kotse papunta sa garden. Umangat ako mula sa pagkakaupo ko at magtatanong na sana kung bakit hindi kami huminto pero pagtingin ko sa harap ay nabulat ako ng may sinusundan kaming trail.
Saan papunta ang trail na 'to?
"Kuya saan tayo pupunta? Bakit hindi tayo huminto sa harap?" hindi ko na napigilang tanong dahil sa sobrang curious. Ilang beses na akong nagbrowse ng pictures ng Amaranth sa google dahil nga obsess na obsess akong pumasok dito pero kahit kailan wala akong nakitang picture ng lugar na 'to. Na feel ko nga dati na baka napanaginipan ko lang to kasi wala talagang lumalabas na results, may nabasa pa akong fictional lang daw yung school na 'to pero mga hanash lang sila.
Sa mga kakaunting pictures na nasa internet ay ang gate at harap lang ng school ang nakikita, ni hindi nila binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makita kung anong nasa loob ng building. Kaya nga mas maraming nahuhumaling na pumasok dito dahil sa pagka 'mysterious' ng school
Napanguso nalang ako ng hindi ako pinansin ng man in black na 'to. Ini-expect ko na rin naman yun pero syempre nagbakasakali pa rin ako!
Padabog na bumalik ako sa upuan ko at bumulong bulong.
Pero natigil ako sa ginagawa ko nang mapatingin ako sa labas.
Wow!
Is this real!?
Ibinaba ko ang salamin sa bintana at nilabas ang ulo ko para mas makita ang view.
Shoot! Ang ganda!
Ang daming mga halaman at may mga vines na nakapalibot at ang gaganda ng design. Halos lahat ng mga halaman ay nakadisenyo at nakashape. Iniisip ko pa lang kung gaano yun katagal ginawa ay naaamaze na ako.
Kukunin ko sana ang cellphone ko para picturan ang nakikita ko pero naalala kong kinuha pala kanina ni Kuyang man in black yun, sabi niya kasi prohibited daw ang gadgets sa loob ng campus.
Mas namangha pa ako ng napansin na paakyat ang tinatahak ng kotse at sa malayo ay may nakita akong Parthenon. Nanlaki ang mata ko at mas tinanaw yun ng mabuti. Bakit may Parthenon dito? It looks so real! Para talaga siyang yung nasa Greece, pati yung pwesto at yung pagkakatayo. Kung hindi ko lang talaga alam na nasa Amaranthine Academy kami ay iisipin kong nasa Greece ako ngayon!
"OMG! Kuya, Parthenon talaga yun?" Tuwang-tuwa na tanong ko at lumapit pa sa kanya, kumapit ako sa likod ng passenger seat at hinintay ang sagot niya kahit hindi ko sure kung sasagot siya
BINABASA MO ANG
Amaranthine Academy
FantasyAria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at her dream school- Amaranthine Academy. A mysterious school that no one seems to know nothing about except that it is one of the most prestig...