"Akala ko bukas pa kayo babalik?" si Caden pagkatapos niyang salubungin at yakapin si Exie
"Supposedly. But the headmistress called and said that there's something urgent so here we are" she answered while smiling at him sweetly
Naumay ako kakatingin sa kanila kaya binaling ko nalang ang tingin ko kay Adriel na ngumiti agad nang magtama ang paningin namin. Napakapa-fall talaga, alam niya pa namang namiss ko siya
I smiled back at him until I heard Branch chuckled beside me.
"Shut up" I whispered to him
"Where's the Alpha?" tanong ni Breonna nang napansin niya rin na wala nga si Blaine
"He went to the headmistresses to talk to her. May emergency ata kaya pinabalik kami agad" she said and told us to all sit down first
"While we were outside. We noticed some weird things" she started. Nagtaka ako sa tono niya kasi parang hindi rin siya sigurado kung ano ang nangyayari
"It's like there's something wrong with the mist" Adriel added
Kumunot ang noo ko dahil dun. Napag-aralan ko sa isang mandatory class dito- Olympus 101- na yung mist yung parang veil sa mga regular humans para hindi nila makita yung mga bagay na dapat ay demigods lang ang may alam. It is also what hides the rest of the Amaranthine Academy and the lands nearby from the mortals
"Paano?" Mikylla asked
"The demigods living outside the bounds of Amaranthine are still using the code to communicate here" Dream looked at me while saying that. Alam na ng lahat yun at sinasabi niya lang para sa akin. Tumango ako biglang senyas na naiintindihan ko
"Under the mist, it would appear as a regular phone. One of the demigods who's now a famous actress used the code in one of their ball. Nakuha yung atensyon ng media kaya curious na sila ngayon kung anong brand?" natawa pa si Yohann ng sinabi yan bago siya nagpatuloy "daw yun. Gusto pa ata nilang magmass produce" hindi niya na talaga napigilan at natawa pa siya pagkatapos nun na para bang big joke yun para sa kanya
Hindi ko rin siya masisisi kasi kung sikat talaga yung demigod na nakuhanan ng litrato ay siguradong pag-iinteresan talaga ng lahat
"Hindi yun nakakatawa, Yohann. You see, the code is also our communication to the demigods outside the Amaranthine and having them curious about it might be a risk of them finding out about us" Dream explained. Tumigil tuloy sa pagtawa si Yohann at nagkibit balikat nalang. Parang di affected na napahiya siya dun
Branch chuckled beside me kaya siniko ko siya para tumigil dahil mukhang seryoso ata 'to lalo na't hindi pa nila pinamimigay yung mga pasalubong. Napatingin ako kay Adriel, nagawa niya kaya yung request ko?
Itatanong ko sa kanya mamaya.
Nagpalitan si Adriel at si Dream sa pag-explain kung paanong may problema sa mist at inaayos yun ng mga demigods na nandoon. Dun ko lang din naisip na ilang beses din pala akong naloko dati ng mist, katulad ng mga ibang normal humans lang, pero siguro kung ngayon ako lalabas ay mapapansin ko na ang mga 'yun.
Napatingin kaming lahat sa pinto nang bumukas yun at pumasok ang Alpha na seryoso ang mukha, lagi naman talaga siyang seryoso pero iba yung seryoso niya ngayon.
Yung anim na nasa harap ay naupo na rin.
"Ano kayang meron?" tanong ko kay Yohann nang naupo siya sa tabi ko pero nagkibit balikat lang siya at sinabing hindi niya rin alam
I couldn't help but look at the Alpha's hair as he stood in front of us because his electric blue hair is just really distracting. Sometimes it's hard to take him seriously because of it.
BINABASA MO ANG
Amaranthine Academy
FantasyAria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at her dream school- Amaranthine Academy. A mysterious school that no one seems to know nothing about except that it is one of the most prestig...