Chapter 16: Ceremony

46 9 0
                                    



I was falling

And then everything stopped

It's like time itself stops working

All I know is that I'm suspended in the air and I couldn't hear anything

There's just a ringing in my ear and it's like everything is moving in slow motion

At pagmulat ng mga mata ko ay nakahiga na ako sa sahig at naririnig ang tawag nila sa akin

"Aria!"

"Aria, okay ka lang ba?"

Naririnig ko ang boses nila Branch at kahit malabo pa ang paningin ko ay alam kong sila ang nakatunghay sa akin

"She's opening her eyes" that's Mikylla's voice

Maybe she used her healing powers on me kaya hindi ako nabalian ng mga buto

"Can you see me?" Adriel waved his hands in front of me

Tumango ako nang dahan dahan dahil parang ang bigat ng pakiramdam ko

Pumikit ulit ako at huminga ng malalim

"Dadalhin ka namin sa clinic" akmang bubuhatin ako ni Branch pero umiling ako

Alam kong kaya kong tumayo. Kailangan ko lang mag ipon ng lakas kasi pakiramdam ko nanghina ako dahil sa panic

I just fell! Himala pa nga na humihinga pa ako ngayon at wala namang masakit sa akin

"Kaya mo bang tumayo?" Tumango ako kay Mikylla at humawak sa braso ni Branch para humingi ng alalay sa pagtayo.

Sa kabilang tabi ko naman ay umalalay rin si Adriel

"Okay lang ako, disoriented lang siguro dahil sa shock" I shook my head to wake myself up and smiled at them

Nakita ko si Alpha sa likod ni Mikylla kaya ngumiti ako sa kanya

Siya lang kasi ang alam kong may kakayahang lumipad at magkontrol ng wind kaya alam kong siya ang tumulong sa akin para hindi ako magkawasak wasak

"Thank you" I sincerely said

Kumunot ang noo niya bago umiling

"You don't have to thank me, I didn't do anything" nakakunot pa rin ang noo niya habang sinasabi yan at halatang may malalim siya iniisip

"Ha?" Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi siya. Sino?

Lumingon ako sa paligid pero napabaling ulit ako sa kanya ng magsalita siya

"I was about to help you but before I could do anything you just... stopped midair" paliwanag niya na parang di rin makapaniwala

Ako naman ngayon ang kumunot ang noo, tumingin ako kay Adriel na nasa tabi ko

"Anong sinasabi niya?"gulong gulong tanong ko

"We were all trying to save you but before any of us could do something, everything just exploded and rotated around you while you were just...there" tumingin siya sa taas na para bang nakikita niya pa rin ako dun habang ang mga debris ay umiikot sa paligid ko.

Tumingin ako sa paligid, wala na nga ang mga lamesa at upuan, ang naiwan nalang ay mga bakas nito.

Nakapalibot sa akin lahat ng estudyante at iba iba ang ekspresyon nila

May mga takot, panic, mangha at ibang di ko maipaliwanag

Bago pa ako makapagtanong ay biglang may palapit na sa amin na naging dahilan ng paghawi ng mga estudyante

Amaranthine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon