When the new semester started parang back to normal na lahat, maliban sa akin na nasa part na ng Enas team."Hi!" bati ko kay Keisha nang makasalubong ko siya habang papasok sa dining hall para sa dinner. Huminto siya sa paglalakad at ngumiti rin sa akin
"Ikaw pala yan, Aria. Kumusta?"
"Okay lang naman! Nakakamiss lang sa maging regular, nakakapagod pala magtraining" natatawa kong kwento sa kanya. Tumawa rin siya at tinapik ako sa balikat
"I know you can do it" she assured me
Nagpasalamat ako sa kanya bago naglakad sa table ng team na nasa harap. Hindi katulad noong regular pa ako na kailangang ikaw ang kukuha ng pagkain mo, dito ay nakaserve na agad. Special treatment talaga sa Enas team.
"Ang tagal mo ah" sabi agad ni Branch nang maupo ako sa gitna nila ni Yohann. Sabi kasi nila kanina hihintayin nila ako pero sinabi kong mauna na sila kasi ginagawa ko pa kanina yung assignment ko at patapos na rin naman kaya tinapos ko nalang
"Hindi pa naman nagsisimula" tinignan ko sila isa-isa sa mesa na busy sa kanya-kanya nilang ginagawa. Tumaas ang kilay ko nang makitang kunot-noong nakatingin sa akin si Blaine.
Ngumisi ako nang naisip na siguro nakita niyang kinausap ko si Keisha. Ilang araw ko na siyang ino-offeran na ilalakad ko siya dito pero laging umaayaw tapos feeling pa ata niya tuwing kakausapin ko si Keisha laging tungkol sa kanya kahit never naman nangyari yun
The headmistress just said some words and updates before we started eating dinner. Medyo matagal na rin since yung prophecy at medyo nagrelax na ang lahat kasi wala namang masamang nangyayari.
Though the team talked about it and we know that there's still a risk kaya nagttrain talaga kami. Especially ako.
Hindi ko pa rin macontrol ang ability ko though I like to think that I'm making progress. They still continue to train me but I'm also getting used to how they train before I became part of the team. Okay na rin yun kasi hindi naman pwedeng forever sila mag adjust sa akin
"Goodnight!" Nagmamadali akong umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto pagdating sa tower namin
May nabasa ako nung nagpunta ako sa library on how to master your ability and I've been trying it every night since then.
Nag-indian seat ako sa tabi ng kama ko at tinanggal ang chopstick sa buhok ko. Kinasanayan ko na na doon yun ilagay para accessible kung kailan ko kailangan.
Inilapag ko yun sa kama kapantay ko. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata ko.
I just closed my eyes and focused on my breathing until I felt like everything around me was gone.
Meditating is a way to relax the brain and I felt like it's effective for me when I'm training on how to control my ability. Hindi ako pwedeng umasa lang sa kanila. Sa physical training ay matutulungan nila ako but only I can help myself when it comes to grasping my gravity
When I felt the pull of the gravity around me- I slowly opened my eyes and focused on the chopstick
I willed myself to think that it's lighter than what it is and I smiled when I saw it slowly move upward. Like the gravity around it is loosing its pull on it.
I closed my eyes again and did it with my own body until I can feel myself floating midair.
"Aria!"
"Ouch!" I stepped out of my concentration and fell butt first on the floor when someone knocked on my door
Sumimangot ako at tinignan yun ng masama. I was making progress already! I managed to loosen the gravity around me
BINABASA MO ANG
Amaranthine Academy
FantasiaAria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at her dream school- Amaranthine Academy. A mysterious school that no one seems to know nothing about except that it is one of the most prestig...