Chapter 8: Call

56 9 0
                                    


The following days were uneventful, same lang everyday ang nangyayari that it's already like a cycle.

Magigising nang maaga, kakain ng breakfast, papasok sa klase, kakain ng lunch, papasok sa klase, tatambay sa library, kakain ng dinner, magrereview, then matutulog

Minsan nangungulit si Branch o kaya naman sasama ako kila Keisha para makipagkwentuhan.

I was actually getting bored kasi hindi ako sanay na wala akong masyadong ginagawa kasi sa amin dati laging nanjan si Rianne para manggulo at hinihila ako kung saan saan para rumaket, tapos may part time job pa ako dati.

On repeat lang yang cycle na yan until na 1st sem ended

There are actually two things that I'm looking forward to, one is the release of our grade- halos tambay na ako sa website ng amaranthine para laging icheck kung napost na yung grades kahit sinabi naman ni Keisha na magpapadala naman ng message sa code if ever na post na.

And the second one is today, it's the day I've been waiting for. Kasi ngayon kami i-aallow to make phone calls.

Katatapos lang ng exam namin last week and I'm now on my way sa office ni Headmistress kasi dun kami tatawag.

Medyo kinakabahan nga ako kasi ang tagal ko nang di nakakausap sila Mama,Papa at kahit yung lukaret na si Rianne kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila sa dami nang gusto kong sabihin.

Kagabi-- no, actually last week ko pa iniisip yung sasabihin ko, simula nung sinabi ni Keisha ang tungkol dito, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maayos. Nag-alala pa ako kasi baka nasa trabaho sila ngayon at hindi nila masagot ang tawag tapos masasayang lang yung chance ko pero sinabi naman ni Keisha na sinasabihan daw yung family tungkol sa sched ng call beforehand.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ako dun o ano eh. I mean, gusto ko naman talaga silang makausap pero ang dami ko talagang gustong sabihin tapos baka may masabi pa akong mali at mareveal ang secret ng Amaranth, pero yung pinakakinatatakutan ko ay baka mas mamiss ko sila kapag narinig ko yung boses nila tapos mas gustuhin ko nalang talagang umuwi.

Huminto ako sa paglalakad nang nasa harap na ako ng pinto ng office.

Huminga muna ako ng malalim at pumikit bago kumatok.

"Come in"

Pinihit ko ang doorknob at tuluyan nang pumasok. Naabutan ko si headmistress na nakaupo sa may sofa kaya binati ko kaagad siya.

"Sit down" Ngumiti siya sa akin at iminuwestra ako na umupo sa upuan sa harap niya

"I guess Keisha already told you about this? And you already know the rules?" Tumango lang ako sa kanya kasi di ko alam ang sasabihin ko sa totoo lang

Ngumiti ulit siya at nilagay sa coffee table sa harap ko yung telepono.

"Then I'll leave while you're having your phonecall. I understand how much you must miss them but I'm just giving you 30 minutes so you should make it count" then she left after she said that

30 minutes

Okay

Nagsimula na akong magtipa ng numero at sa unang ring palang ay may sumagot na agad

"Hello? Anak? Kumusta ka na jan? Alam kong ikaw 'to. Kumakain ka naman ba? Miss na miss ka na namin. Magsalita ka naman. Marami ka bang natututunan jan? Gusto mo na bang umuwi?"

I chuckled while listening to my mom's endless question. Halos hindi ako makasingit at di pa nakakasalita dahil sunod sunod yung sinasabi niya

"Ano bakit ka tumatawa jan? Sumagot ka kaya!?" Tumaas na ang boses niya kaya hindi ko na talaga napigilang tumawa

Amaranthine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon