Chapter 11: Worry

49 11 0
                                    


Tumahimik lahat ng nasa loob ng dining hall at ang maririnig lang ay ang ihip ng hangin matapos banggitin ng headmistress ang salitang yun

Prophecy

Kung iisipin, yun lang talaga ang magiging pinakamalinaw na paliwanag sa magulong sinabi ni Mikylla.

Matapos niyang banggitin yung 'prophecy' nawalan ng malay si Mikylla kaya agad siyang dinaluhan ng Enas team. Binuhat siya ni Yohann at akmang magteteleport siya papunta sa clinic pero hinawakan siya ni Branch sa balikat para pigilan.

"Hindi maganda sa lagay ni Mikylla ngayon magteleport, ako na ang bahala"

Labag man sa kalooban ni Yohann ay ipinasa niya si Mikylla kay Branch at agad itong tumakbo papunta sa clinic, nagteleport naman agad si Yohann para sumunod sa kanila

Nang nakaalis na sila ay bago ko lang napansin ang komosyon sa loob, napakaingay at lahat ay nagsasalita at nag-uusap tungkol sa prophecy na isinaad ni Mikylla.

Halata ring naiistress ang headmistress kahit tinatago niya yun sa compose na itsura niya.

"Aria, halika na at pumuntang clinic" tumango ako kay Devan at sumunod na sa kanila para daluhan si Mikylla sa clinic.

Sinundan kami ng tingin ng mga estudyante habang palabas kami sa dining hall, siguro nagtataka sila kung bakit kasama ako ng Enas team, hindi ko rin naman talaga alam kung bakit basta ang alam ko- kaibigan ko si Mikylla at gusto ko siyang puntahan.

Bago kami makalabas ay narinig ko pa ang sinabi ng headmistress sa lahat na magsettle down na at bumalik na sa kanya-kanyang mga kwarto.

Nagmamadali kaming pumunta sa clinic, pagdating namin dun ay dinadaluhan na agad ng isang healer si Mikylla habang nasa gilid niya si Branch at Yohann nahalatang sobrang nag-aalala.

"What's the matter?" si Alpha ang agad lumapit nang matapos tignan ng healer ang kalagayan ni Mikylla, lumayo sila pero naririnig pa rin namin ang pinag-uusapan

"She's just taking a rest, she's currently asleep right now. She's an Apollo's kid so it's not an unusual thing that she has the ability of a seer" paliwanag ng healer na for sure ay house apollo rin nung estudyante siya

"But she never shown any hint of being a seer before this" sabi ng Alpha sa healer na tumango

"Bihira lang talagang magkaroon ng ability of both a healer and a seer ang isang galing sa house apollo, but it's no wonder since she's Mikylla, the best of the house Apollo of her generation. May mga member na dati ng Enas team na meron nang dalawang abilidad na yun. Ngayon lang siguro lumabas kay Mikylla. We don't have to worry about her, I think we should worry about her prophecy more. Can you tell me about it?" humina na ang usapan nila kaya hindi ko na narinig yun.

Hindi na rin ako sumubok na makinig pa dahil siguro ay usapan yun ng mga matataas ang posisyon sa academy, sigurado akong bukas ay magkakaroon sila ng pagpupulong tungkol dun, baka nga ngayon palang ay meron na.

"Do you think she's okay?" narinig kong tanong ni Exie kay Brionna. Worry is very evident on her voice

"I hope so" si Brionna na halos hindi rin makausap kanina pa at nakatingin lang kay Mikylla na parang any minute ay magigising ito at kailangan niyang makita yun

"She's gonna be okay, babe. She's a healer and now she's also a seer. Tomorrow, I'm sure she will wake up. Let's just let her rest for now, okay?" pagpapagaan ng loob ni Caden kay Exie at maya-maya lang ay naconvince niya rin ito na mauna na sa tower nila.

Nagpaalam sila sa lahat

"Cadence" tawag ni Caden sa kambal niya para sabihan na sumabay na sa kanila

Amaranthine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon