Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang nakababad sa tub at pagkagising ko ay quarter to 5 na kaya nag ayos agad ako at nagbihis
Masyado ata akong narelax kaya nakaidlip ako. Tinignan ko ang kamay ko at nangulubot na siya sa pagkababad.
Saktong 6 pm naman ay nasa dining hall na ako
"Kumusta naman ang first day mo so far?" Tanong sa akin ni Keisha habang kumakain, sila nanaman kasi ang katabi ko
Hindi ko pa kasi nakakausap ang iba kong mga ka year level dahil medyo na busy ako kanina
"Superb! Parang ang dami ko na agad natutunan sa totoo lang, ibang iba talaga dito yung teaching competency, quality teaching talaga" excited na kinwento ko sa kanila ang araw ko at nakinig naman sila
"I'm glad you enjoyed your first day, basta lagi mo lang tandaan na kapag may tanong ka pwede mo kami laging iaapproach" palala sa akin ni Keisha kaya tumango ako
"Thank you ah, ang bait niyo talaga" no wonder siya ang president ng student council.
Si Keisha kasi para siyang yung mga bida sa mga pelikula, yung babaeng mamahalin ng mga lalaki agad kasi babaeng babae kaya masarap protektahan.
Sabi nga dati ni Rianne kaya raw walang nagkakagusto sa akin kasi ang strong daw ng personality ko tapos hindi raw ako kaprotekta protekta at yung lalaki pa ata ang mangangailangan ng proteksyon galing sa akin. Kung meron naman daw, natatakot daw lumapit kasi nakakaintimidate ako
Eh ano naman kung ganun ako, kasalanan nila yun kung takot sila. Hindi ko sila kailangan.
Nawala ako sa iniisip ko nang mapansing nagsitayuan na ang mga demigod students.
"Tapos na silang lahat?Ang bilis naman?" Pansin ko kasi halos wala pang 20 minutes nang magsimula ang dinner pero halos lahat sila ay umaalis na tapos ang natitira ay ang mga regular students nalang
Tumingin si Keisha sa wristwatch niya bago tumingin ulit sa akin
"40 minutes before 7 na kasi, kailangan nilang magprepare" paliwanag niya pero mas nagtaka ako
"Prepare for what?" Nilibot ko ang tingin ko at wala na nga talagang natitirang demigod.
Ang ibang mga regular student ay nagsisimula na ring lumabas
"Anong meron?"
"Today's the first day kaya the demigods will have an assessment"
Kumunot ang noo ko at magtatanong pa sana ulit pero dinugtungan na rin ni Keisha yung sinabi niya.
"The assessment, is done to test their abilities, para malaman kung ano yung inimprove nila over the summer, kung nagtrain ba sila at kung ano pa ang mga dapat pagtuunan ng pansin" tumango ako sa sinabi niya
Kaya pala nagmamadali silang kumain at umalis dahil kailangan nilang maghanda.
I wonder kung saan naman kaya nila gagamitin yung mga abilities nila?
After namin mag dinner ay dumiretso kami sa stadium dahil doon daw gaganapin ang assessment.
Habang naglalakad kami ay pinapaliwanag sa akin ni Keisha ang mangyayari.
Wala naman daw labanan na magaganap sa iba't ibang houses. Ipapakita lang talaga ng mga demigods yung mga kakayahan nila sa harap ng mga professors, students at ng headmistress
"But the Énas team always do the assessment differently" sabi niya nang makahanap na kami ng maayos na pwesto at naupo na
Natagalan kami sa pagpunta dahil sinamahan pa nila akong kumuha ng jacket sa kwarto ko dahil baka raw lamigin ako, nagtaka pa ako kung bakit ako lalamigin eh ang init naman, pero sinunod ko nalang sila para makasigurado, dahil dun ay medyo nahuli kami at nagsisimula na ang house of Demeter magpakitang gilas.
BINABASA MO ANG
Amaranthine Academy
FantasyAria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at her dream school- Amaranthine Academy. A mysterious school that no one seems to know nothing about except that it is one of the most prestig...