"What the hell!?" Singhap ko habang pinapanood ang ginagawa ng mga estudyante sa baba
Gosh! Hindi yan totoo diba?
Baka nag-iimagine lang ako!
Sinampal sampal ko ang pisngi ko at kumurap kurap pero pagtingin ko ay ganun pa rin ang ginagawa nila
Shoot! Hindi lang basta bastang p.e 'to na inaakala ko.
"A-anong klaseng trick yan?" Nanginginig na tanong ko kay Keisha habang hindi matanggal ang mga mata sa mga estudyante sa baba na kung anu-anong lumalabas sa mga kamay
Hindi ako naniniwalang natural yan! Baka may mga daya jan na hindi ko nakikita.
Baka may black magic dito sa school na 'to!
"There's no trick, Aria" nakangiti niyang sabi sa akin na para bang tuwang tuwa siya sa reaksyon ko
May gana pa siyang matuwa samantalang ako gulong gulo na?
"B-but how?" Naguguluhan kong tanong habang pinagpapalit palit ang tingin ko sa kanya at sa panonood
"They are the demigod students" simple niyang sabi pero mas lalong naguluhan ako
Wala man lang ba siyang additional information?
Atsaka demigod? Totoo ba yun?
Hindi pa mag-sink in sa akin lahat at naisip ko pang baka pinaprank lang nila ako at ito ang pawelcome nila sa akin. Tinignan ko ulit ang mga students sa baba. Pero impossible eh, paanong prank at trick na biglang may lalabas na apoy sa kamay?
Totoo ba talaga to?
Hindi naman ako nainform na may super powers pala ang mga students dito. Kaya pala ayaw nila akong kunin nung una kasi hindi enough sa kanila yung talents ko
"Demigod" I asked, hoping for more explanation. Hindi naman kasi basta basta maliliwanagan ang isip ko sa isang simpleng salita
"Demigod, half god, half blood, whatever you want to call them. They are the students gifted by the gods" mas lalong kumunot ang noo ko pero lumaki lang lalo ang ngiti niya na parang tuwang tuwa talaga siya sa akin ngayon
"Nakadrugs ka ba?" tanong ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.
Umiling iling rin ako agad kasi imposible namang nakadrugs siya kasi nakita ko mismo yung nangyari.
Kung ganun...
Baka ako yung nakadrugs?
Napahawak ako sa ulo ko at sumigaw na sa isip ko sa sobrang kalituhan.Hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi niya! Parang nabobo ata ako
Pero demigods?
Narinig ko na ata yun.
Pinilit kong alalahanin kung saan ko yun narinig at pakiramdam ko may nagclick bigla sa utak ko nang maalala na yun yung kinukwento sa akin ni Rianne tungkol sa librong kinababaliwan niya. Bumalik din sa utak ko na pinag-aralan din namin yun sa Greek Mythology.
Sa pagkakaalala ko ang demigods ay anak ng mga gods at mortal kaya sila half god and half mortal. Pero possible ba talaga yun? Parang sa libro lang ata nangyayari yun. Pero baka totoo din.
Urghh! Gulong gulo na ako kaya nagtanong nalang ulit ako kay Keisha
"So ibig sabihin anak sila ng mga gods? As in may dugo silang gods na dumadaloy sa katawan nila?" even hearing me say it sounds like a joke
Mabilis siyang umiling sa sinabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman sa ayaw ko pero parang ang weird lang kapag may schoolmates akong halfbreed ng god at tao.
BINABASA MO ANG
Amaranthine Academy
FantasyAria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at her dream school- Amaranthine Academy. A mysterious school that no one seems to know nothing about except that it is one of the most prestig...