Nagmamadali akong bumalik sa kwarto ko at agad na binuksan ang laptop para makita ang grades ko, nagpadala na kasi ng message sa code na napost na raw ang mga ito.
Inaamin ko naman na grade conscious talaga ako at sa tingin ko wala namang masama dun kasi nandito nga ako para mag-aral kaya dapat lang na pagbutihin ko, at yung effort ay nagrereflect sa grades.
Actually, hindi naman ako kinakabahan kasi alam ko naman na pasado ako pero gusto ko lang talaga makita kung naabot ko ba yung goal ko na grade
"Yes!" napatalon ako at halos mapasayaw sa tuwa nang makita na hindi ko lang naabot yung goal ko na grade kung hindi nalagpasan ko pa.
"Finally makakarelax na ako!" sabi ko sa sarili ko habang naghahanda para sa lunch
Tapos na ang first sem at sa January pa ang start ng second sem kaya free to enjoy ako ngayong christmas break, sayang nga lang at hindi pwedeng umuwi.
"Anong pwedeng gawin dito habang christmas break?" tanong ko kila Keisha at Bethany habang naglulunch
Medyo close na rin kasi kaming tatlo at sila na talaga yung mga naging kaibigan ko dito
"There are a lot of things you can do. Medyo hindi mahigpit ang academy kapag break kaya pwede kang pumunta at maglibot sa buong lugar, kahit sa mga temples ng gods, just make sure to pay respect" nakangiting paliwanag ni Bethany
"This is also the time when everyone could relax, including the demigods and the Énas Team because training is not required for them during this time. This is also the chance to interact with them since every house will have a booth. Tayong mga regular student ay may booth din" si Keisha
Napatango-tango ako at napatingin sa Énas Team, kung hindi naman pala required na magtraining, bakit sabi kanina ni Adriel ay galing siya sa training nung makita niya ako sa Parthenon.
Napadako ang tingin ko sa Alpha, I think tinawag siyang Blaine kanina ni Branch, na nakatingin sa banda namin, sinundan ko ang tingin niya at nakitang diretso yun kay Keisha.
Hmm, I smell something.
"At yung pinakaexciting at tingin kong magugustuhan mo talaga ay yung bonfire" natigil ako sa iniisip ko dahil nacurious sa sinabi ni Keisha
"Bonfire?" nakakunot noong tanong ko.
"Hindi siya katulad ng bonfire na iniisip mo, bonfire here is like the prom outside, it's like an annual ball. Every student is required to go, regulars and demigods, it will be held at the stadium, the demigods are assigned for it kaya every year ay exciting kung anong mangyayari. For this year, house of dionysus ang assigned so we are expecting lot of wines" humagikgik siya sa huli niyang sinabi kaya napangiti nalang rin ako
Hindi ko akalain na may ganun rin pala dito, pero ano ba namang ini-expect ko. This school is unpredictable.
After lunch ay nagpaalam ulit sila Keisha at Bethany sa akin dahil mag-aasikaso raw sila sa booth, sila kasi ang assigned dun since part sila ng council.
And so I was again left alone.
Pabalik na ako ulit sa kwarto para sana umidlip nalang since wala naman akong gagawin nang bigla bigla nalang ay may umakbay sa akin
And I don't even need to guess who it is kasi isa lang naman ang bigla bigla nalang sumusulpot
"Ano nanaman Branch?" tanong ko sa kanya
"Wala lang, nakita ko kasing iniwan ka nila Keisha kaya naisip ko na wala kang kasama, so I'm here to the rescue" kumindat pa siya pagkatapos niyang sabihin yun
BINABASA MO ANG
Amaranthine Academy
ФэнтезиAria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at her dream school- Amaranthine Academy. A mysterious school that no one seems to know nothing about except that it is one of the most prestig...