Chapter 5: Friend

80 10 0
                                    


I spent the whole morning reading books in the library but to no avail. I found out nothing on what I wanted to learn.

Sumasakit na yung mata ko kakabasa pero wala pa rin talaga akong additional information. Parang alam ata nila na hinahanap ko sila kaya nakikipaglaro sila ng taguan sa akin.

Kung hindi pa sana tumunog ang code ko para iremind na lunch time na ay hindi pa ako titigil sa paghahanap at pagbabasa ng mga libro

Kinuha ko yung mapa na binulsa ko kanina at tinignan yun habang naglalakad. Hindi ko pa saulo masyado ang pasikot sikot dito sa Amarinthine kaya mas mabuti ng handa kaysa naman maligaw ako.

Habang naglalakad ay may mga nakakasalubong akong mga regular at demigod student. Napapatingin lang sila sa akin siguro dahil new face ako pero hindi naman sila nagtatanong at nagpapatuloy na sa mga ginagawa nila.

Pakalat kalat na sila dahil nga lunch na rin.

Pero may isang bagay talagang pare-pareho sila.

Lahat sila magaganda tapos gwapo. Parang isa ata sa requirement ng school na 'to na dapat may ipagmamalaki kang mukha.

Medyo nahihiya tuloy ako kasi baka nagmumukha akong server dahil sa itsura ko. Wala kasi akong make up!

Pero naniniwala naman akong maganda ako naturally kaya ignore nalang

Nang makarating ako sa cafeteria ay nanlaki ang mata ko dahil parang five star hotel ang setup.

Sosyal na sosyal ang datingan ng mga mesa at upuan na may mga halong ginto ata dahil sa kinang. May mesa na sa tingin ko ay para sa mga houses.

Nilibot ko ang mga mata ko at organize din talaga lahat.

Buffet style pa rin ang pagkuha ng pagkain pero hindi magulo tignan, hindi tulad ng school ko dati na akala mo laging magkakaubusan ng pagkain.

Humakbang ako papasok at natigil ang tingin ko sa isang mahabang mesa sa may harap. Mga teachers ang nandoon, sa kanan ay may mahabang mesa din kung saan nakaupo ang Énas team. Tinignan ko sila at nag-uusap lang sila ng seryoso, minsan ay tumatawa pero hindi maraskal.

Natanggal lang ang tingin ko sa kanila ng may kumaway sa direksyon ko. Si Keisha yun na nakaupo sa mahabang mesa rin para sa mga regular student.

Sinenyasan niya ako na doon tumabi sa kanya at tumango naman ako bago sumenyas na kukuha muna ako ng pagkain.

Kumuha ako ng tray at pumila na.

Busog na busog yung mata ko sa kakatingin sa mga pagkain. Ang dami tapos mukhang masarap pa.

Mas marami pa ata yung pagkain dito kaysa kapag birthday ko.

Gusto ko sanang kumuha ng marami pero pinigilan ko ang sarili ko at kumuha lang ng sa tingin ko ay mauubos ko.

Ayoko rin namang magmukhang patay gutom. Matagal pa naman ako mag-aaral dito kaya hindi naman siguro ako mauubusan ng pagkain.

Dumiretso ako sa may pwesto ni Keisha at nakiupo ako sa tabi niya, umurong naman siya para bigyan ako ng space.

"Guys, I would like you to meet Aria, siya yung bagong regular student na 1st year" pakilala niya sa akin sa mga nakaupo sa paligid ng mesa.

Mababait naman sila dahil lahat sila ay bumati sa akin at kinausap ako. Nakilala ko rin yung secretary na nagbeep sa code ko kanina, si Bethany. Mabait din siya at approachable.

"Bakit hiwalay ang table nila?" Tanong ko patukoy sa Énas team.

Nagtataka lang ako kasi yung ibang students ay by house ang upo, at bakit hindi sila sa house nila nakikisama.

Amaranthine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon