Usap usapan ang prophecy kahit saang bahagi ako ng Academy pumunta
Marami akong haka-hakang naririnig sa mga demigods man o kaya sa mga regular students.
Nagsend sa akin ng code si Keisha saying na ngayon niya raw ako isasama sa booth naming mga regular student.
On my way there, naririnig ko ang mga usapan ng mga nakakasalubong ko.
May mga pag-uusap pa tungkol sa great war daw na nangyari dati. Nakuha nun ang curiosity ko.
May koneksyon kaya yun kung bakit wala na ang house Hestia? At mag connect nga kaya talaga yun sa prophecy ngayon?
Kung tutuusin dapat hindi ko naman talaga siya iniisip kasi wala naman akong bilang dun, for sure sa mga demigod lang naman iikot yun. Pero kinakabahan pa rin ako kasi nandito kaya ako sa Amaranthine! So syempre maaapektuhan ako one way or another.
Pagdating ko sa booth naabutan ko sila Keisha at Bethany na nag uusap sa may counter top kaya nilapitan ko kaagad sila para batiin
"Good Morning!" Nakuha ko naman ang atensyon nila at agad silang ngumiti sa akin at nag offer ng mauupuan
"There you are! Ano? Napag isipan mo na ba yung offer namin?" Yan agad yung bungad sa akin ni Bethany pagkaupong pagkaupo ko
"Yap, naisip ko na good opportunity nga siya at para may iba pa akong magawa" tumili naman agad si Bethany at pumalakpak dahil sa sinabi ko
"Good! You will never regret it"
"Kami na ang aasikaso sa papers mo at ang admin na ang pipili sa mga candidate, if they will choose you, which I'm sure they will, by the start of next sem ay part ka na ng council" paliwanag sa akin ni Keisha habang may inaayos siya sa screen.
"Pero baka medyo malate ang pagpipili ng admin dahil I'm sure magiging busy sila sa pagdecode ng prophecy" dagdag pa ni Keisha
Dahil dun, naopen yung topic namin tungkol doon
"Oo nga! It's been years since nagkaroon ng prophecy ulit, as far as I remember sa kwento ng parents ko ay yung last daw ay yung first great war but the prophecy was given daw 5 years before that happened kaya baka naman bago pa magkaeffect ang prophecy ay graduate na tayo" kibit balikat ni Bethany
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko, so ibig sabihin may chance na hindi naman talaga instant na mangayayari yung pangitain na yun. But there is still a chance
"Ano bang ginagawa kapag may prophecy na ganun?" I asked them, nagpaplano akong magbasa sa library but I think it's better if I ask them about it first before I do that para naman mas maintindihan ko
"A prophecy means a quest" Keisha said that made me stop what I'm doing
"A quest?" I faced her to ask that
"Quest, ibig sabihin may mga students, demigods, na lalabas in order to fulfill it. Hindi ako masyadong familiar on how it works dahil wala pa naman kaming naaabutan" pagpapaliwanag ni Keisha
"But what we know is, ang talagang pumupunta sa mga quest ay nanggagaling sa Énas team, it was one of the reason kung bakit sila nabuo. Para kapag may quest na kailangang tuparin ay sila ang sinasabak" hindi ko alam kung ako lang ba pero mukhang excited na excited si Bethany magkuwento. Para lang siyang nagkukwento ng movie na napanood niya
"Ang weird nga eh kasi naeexcite ako samantalang karamihan ata ay kinakabahan, kasi naman nung bata ako si mama lagi niyang kinukwento yung nangyari sa first great war at alam mo yun? Alam kong totoo naman siyang nangyari pero parang di ako na naniniwala, and now that this is happening para akong makakaranas ng live action in 3d" tumawa pa siya matapos sabihin yan at ako naman ay natawa sa kanya kasi parang tuwang tuwa talaga siya
BINABASA MO ANG
Amaranthine Academy
ФэнтезиAria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at her dream school- Amaranthine Academy. A mysterious school that no one seems to know nothing about except that it is one of the most prestig...