Red's Point of ViewNapatingin ako sa buwan ngayun. Hindi parin matanggal sa isip ko yung taong gusto ko at gusto rin ng bestfriend ko. Hindi ko alam pero member ako ng 13th bat parang ang baba ko? Pagdating Sa'yo ang hina ko. Hindi ko din talaga alam siguro nababaliw na ako.
Napagisipan kong bumalik ng pool area at Hinanap ko si Kyzi. Sa hindi kalayuan nakita ko ito nakasama niya ang kayang mga pinsan at yung dalawa nilang bestfriend at napansin ko na all day na nakatutok si Kyzi sa phone niya, Buti nalang nakuah ko number niya kasi bigla siyang tumawag kaninang umaga kay Kyzer kaya lumabas dun yung number ni kyzi pagopen ko ng contacts ni Kyzer. Bestfriend kami ni Kyzer pero mas bestfriend kami ni Hanz.
Habang nakain kami ng dinner na inihaw ni Kyzi at Biglang tumayo si Hanz at binigyan ng pagkain ang mga babae ganun din ginawa nila Ivan, Pero iba eh. Iba yung ginagawa ni Hanz kay Kyzi siya lahat kumuha ng kakain nito. Sila na ba? Pero bakit?
Flashback
Habang palabas kami ng guidance office ay napadaan kami sa may library kasi may pinapahanap saamin yung math teacher namin. Nahuli kasi kami nila Justin, Lexus, Ivan, Kid at Lawrence na kumopya sa book ng classmate namin kaya pinag research nalang kami para hindi kami ma dean's office. Kaya ang ginawa ko tinawag namin si Hanz para mahanap yung hinahanap namin.
"Tawagan ninyo si Hanz alam niya to for sure" Sabi sabay nag hahanap pa ako ng kung ano ano,
"Papunta na daw si Hanz pero daan lang daw siya sa may Coffee Lab" Sabi ni Justin at napaupo nalang muna kami habang hinihintay si Hanz.
Ilang oras ng nakalipas biglang dumating ng library si Hanz na may dala ng libro. Ito daw yung hinahanap namin nasa old library daw lahat. Papunta kami ni Hanz at Lexus dun kaso napadaan kami sa classroom namin. Naririnig namin yung ingay nila patrick sa loob. Kaya ayun, Pero nung pag kadaan namin may nakita kami sa may harapan ng room namin dalawang babae kausap ni Patrick. Hindi namin naririnig pinaguusapan
"Tol. Ganda nung babae na isa oh! Hindi yung kausap ni pat ha?" Sabi ko kay Lexus
"Oonga insan! Ganda gagi sino yan? Ligawan ko nga!" Biro ni Lexus sabay tumawa ng malakas
"Jokelang insan hindi ko gagawin sayo yun. Iyo nayan kung gusto mo walang kaso" Sabi ni Lexus lakas din mang trip ni tanga
"Kaso parang kamuka ni Kyzer?" Tanong ko sakanila,
"Huy sino bayan?" Tanong ni Hanz, Sabay lumingon din sa babae na kasama nung kausap ni Patrick. Pero feeling ko yan yung ex ni patrick na maganda na dating captain ng volleyball at ng cheersquad.
"Nakikita ko lagi sa coffee lab yan. Gandang ganda ako diyan! Kaso hindi ko naman kilala" Sabi bigla ni Hanz, matalino to si hanz eh. Chick magnet yung mata nito pero feeling tong babaeng to hindi tatalab saamin eh.
" Mabait daw yan!" Umalis na kaming lahat at binulabog namin si Kyzer sa room nila buti nalang walang teachers.
"Kyzer! Kilala mo ba yung chix na ex ni patrick?" Tanong ko agad kay Kyzer, Nagtataka si Kyzer kung sinong ex.
"Dalawang magandang ex lang meron yan si Veneya at Yung kapatid ko" Sabi nito. Baka nga si Veneya yun
"Ah. Si Veneya ata yung nakita namin ganda pala nun pare. Tangkad tapos medyo maputi, Malala Captain ng Cheersquad at Volleyball" Sabi ko kay Kyzer
"Ay bobo! Hindi si veneya yun kung captain. Kapatid ko yun si Kyzi!" Sabi ni Kyzer
"Gago di nga?!?! Pare napakaganda ng kapatid mo panget mo" Sabi ni Lexus tapos tawa ng tawa ang gago. Binatulan ni Kyzer si Lexus at tuloy padin natawa. Napansin ko na nawala na pala si Hanz siguro pumasok na ng room yun. Hindi weirdo yan si Hanz matalino lang.