Hanz's Point of View"Gwen!" Nagising ako ng dahil sa isang sigaw na galing labas. Pinilit kong buksan ang mga mata ko ngunit hindi ko agad nagawa dahil sa araw na tumatagos ang sinag nito saking bintana.
Tumayo ako sa higaan ko at dumiretso sandali sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush. 2 weeks past ng matapos ang birthday ni Kyzi. Tumingin ako sa salamin dito sa loob ng banyo napansin ko na medyo nangangayayat na ako.
Bumaba na ako para kumain ng breakfast at para makapunta ako kila Kyzer para kunin yung naiwan kong CD kahapon. Sa sobrang uwi ko kagabi naiwan ko yung CD ng ps4 ni kuya Basty at ako nanaman ang na pag buntungan ng galit. Pagbaba ko naririnig ko na nag iingay sila Gwen at Matt sa baba maaga pa para magising tong dalawa kong kapatid. Hindi naman sila ganito magising lagi ah?
"Kuya Hanz. Nagpapasama si Gwen dun sa bahay ng classmate niya" Tumingin ako kay Gwen na nag mamakaawa sakin.
Tumango ako ang nag martsa na papuntang kusina pakumain. Magpapahatid lang naman yang kapatid kong si Gwen dahil hindi makakapag drive si Dad ngayun dahil madami sila inaasikaso ngayun sa Bohol malamang hindi nanaman sila uuwi ng 2-4 months at maids nanaman ang kasama namin dito. Gawin mo na lahat wag lang mag lasing ayun ang rules nila dad dito. Lalo na kapag nalaman nilang nag dadala ako ng ibat' ibang babae malamang magagalit namaman sila kaai lumalabas nanaman ang ugali ko sa pagiging babaero. Nameet na nila si Kyzi nag handa si Mom ng dinner for us nakakatuwa nga eh. Nagustuhan agad ni Dad si Kyzi. Naging kaibigan din pala ng Dad ko ang Mom nito.
"Manang. Pwede pakilutuan ako ng waffle?" Sambit ko at tumayo ako sandali
Kinuha ko yung phone ko na nalapag sa lamesa. Hindi nag iingay ang phone. Ni isang text galing kay Kyzi wala akong natanggap. Alam ko gising nayun ngayun dahil papunta sila dun sa bahay ng Tita niya na kakauwi lang galing Korea. Hindi din pwede na mawalan ito ng load dahil naka line siya sa globe.
Nakuha ng atensyon ko ang nag lakad palabas na si Matt habang may kausap ito. Susundan ko sana ito ng biglang nag vibrate ang phone ko.
From: Erin Rylie
Goodmorning Hanz. Pinapasabi pala ni Ky na hindi siya makapag text dahil na fractured yung left arm niya. Namali kasi yung pag kuha niya ng bola nung nag training kami ng volleyball kagabi lang ngyari.
Napahampas ako ng lamesa at nagulat si Gwen. Hindi pala pwede magulat si Gwen dahil meron pa siyang trauma sa mga shocks nayan. Hindi dahil may sakit to sa puso kung hindi na trauma to nung nanonood kami ng mga army sa may baguio hindi namin inaasahan na mag papakawala ito ng bala. Nahimatay sa gulat si Gwen nung mga araw na yun. Kahit ako muntikan na akong mamatay sa kaba nung mga araw nayun.
"Sir ito na po yung waffle ninyo" Napalingon ako kay manang ng binaba niya ang malaking plate na kung saan meron itong apat na pirasong malalaking waffle.
Nilabas ko na ang kotse at pinasakay na sila Gwen at Matt. Kapag hatid namin kay Gwen pupuntahan ko muna si Kyzer sa bahay nila. Nagpaiwan to dun dahil hindi daw nita trip na makita ang pinsan niya na ampon ng tita niya. Sobrang yabang daw nun at na kwento pa ni Kyzer na sinubukan daw nito ligawan si Kyzi.
Nakaramdam ako ng pangigil nun nung nalaman ko na sinubukan nito landiin si Kyzi. Hindi ganung babae ang girlfriend ko dahil sa pagkakakilala ko si Kyzer lang ang malandi sa pamilya nila. Joke lang hahahaha
"Thankyou kuya. Ingat kayo ni kuya Matt" Bumaba na ng sasakyan si Gwen at pumasok ito sa isang Magandang bahay dito sa may katabing Village namin.
"Kuya. Puntahan muna natin sila Lawrence tapos tumambay na tayo kila Kyzer" Hanngang sa makarating na kami kila Lawrence at napansin ko ito na nasa taas ng balcony ng sala nila. Kumaway kami at bumaba na ito.