Red's Point of ViewWhat the hell? Kanina pa kami ni Vince andito sa may mall may hinahanap daw siya na bagay na hindi niya matandaan kung anong tawag nito. Simula ata pag open nitong mall andito na kami eh. Hindi padin kami nag breakfast at Nag lunch actually kailangan ko na mag lunch ngayun dahil na gugutom na ako. Chineck ko yung watch ko it's 11:34AM na so lunch time na.
"Vince. I'll go to fastfood chain muna nagugutom na ako eh" Sambit ko at umalis na ako
Habang nag lalakad ako papuntang Mcdo nakasalubong ko sila Aila,Erin at Hailee
"Huy Red" Unang bati ni Hailee habang naka ngiti
"Hello huy. Ano ginagawa ninyo dito?" Tanong ko habang nakatingin ako sa mcdo
Help me please? Nagugutom na ako sobra pinipilit ko nalang ngumiti
"Bibili ng gift for Kyzi, Did you know ba na birthday niya ngayun?" Sambit ni Aila habang nag tatanong sakin
"Oh? Birthday niya? Please tell her na happy birthday" Sabi ko at akmang aalis na ako
"Di ka pupunta ng party?" Nakangiting tanong ni Aila habang nakatingin sa mata ko
"Ewan ko pa. Sige I have to go" Sabi ko at nag lakad na ako papasok ng Mcdo grabe nagugutom na talaga ako hindi ko na alam gagawin ko sa sarili ko.
Nang makaorder ako nagiisip ako na legit ba na ngayun birthday ni Kyzi? Kaya ba andito si Vince kasi birthday nga nang kaibigan naming? At akala lang ata hindi nakakaalam. Tinext ko sila Lexus at Lawrence kung alam nila na birthday ni Kyzi ngayun
Lexus
Yes bro. Alam namin, Bakit hindi mo ba alam? Tska alis kami nila Hanz ngayun ha? bibili kami ng gift for Kyzi bumili kana din ingats.
WHAT THE? Seryoso ba tong ngyayari sakin?
Lawrence
Punta kami dun mga 6PM nila Ivan, Oo alam ko no?
Nanlaki nalang yung mata ng dahil sa sinabi nilang dalawa na alam nilang birthday ni Kyzi. Meaning ba nito ako lang talaga hindi nakakaalam na birthday niya ngayun? May narinig din ako sa usapan nila Lexus kagabi hindi ko lang narinig dahil naka earphones ako at busy ako kakatext dun sa may kateammate ko sa varsity sa SPA
"Red" Napalingon ako sa tumawag ni Vince
"Birthday ba ni Kyzi?" Diretsong tanong ko tumawa ito hanggang sa hindi na niya kaya ano daw? what the?
"Seryoso kaba? Kaya nga tayo andito eh" Sambit ni Vince sabay umupo ito sa may bandang harapan ko
"Gago ako lang hindi nakakaalam" Sabi ko na seryoso yung tono ng boses ko
"Baliw. Samahan kita, Ano ba bibilhin mo?" Sabi nito sabay kumuha sa fries na kinakain ko
Hinila ko si Vince sa may bilihan ng make ups hindi ko naman alam kung saan bumili ng magandang make up kaya lahat ng store na nakita namin ni Vince pinasukan namin kaso parang hindi magaganda hanggang sa nakarating kamo dun sa Etude House na yun pumasok kami dun at halata sa store nila na maeenganyo ang mga babae dito dahil sa kulay palang ng store at ayos ng mga products.
"Excuse me ms, Anong magandang gift para sa babae?" Kinuha ko yung eye liner at pinakita dun sa babae
"Para po ba sa girlfriend ninyo?" Sabi nung babae sakin at ngumiti
Narinig ko na tumatawa si Vince sa likod ko kaya tinignan ko ito at napatigil sa kakatawa
"Ay hindi po. Kaibigan po" Sabi ko