Kyzi's Point of View"Kyzi. Picturan mo kami ni kyle" Napaka ano ni Mama sa pictures eh. Kakauwi lang ni mama galing somewhere over the rainbow pero sa Cebu talaga. Niloloko lang kami nito ng nanay kong bruha.
"Teka lang Ma! Kuya ikaw na mag picture wala kang kwenta eh" Sabi sabay tawa at binato ko sakanya yung camera
"Okay. 1....2.....3 SAY CHEESE" Oh diba? Napaka daming alam ng kuya may ganun ganun pa hindi naman bagay mukang bakla lang talaga.
Andito kami ngayun sa Palawan kasi napagisipan ni Mama dalhin kami dito kasi birthday niya nung nakaraan eh wala siya kaya dito nalang niya kami dinala. El Nido, Palawan!
Habang nag lalakad kami nila ate kyla papuntang dagat ay nakaramdam ako ng pananakit ng likod, Binato ako ng buhangin ni kuya!
"Nuba kuya? Monggoloid kaba?" Inis kong sambit at tumingin ng masama sakanya
"Nu ba kuya blahblah! ang arte mo!" Ginaya niya yung sinabi ko pero in pabebe way nakakainis na talaga to si kuya sarap sapakin!Nagpatuloy ako sa pag lalakad kasi iniwan na ako ni Kyla. Isa din tong ata ko eh bwisit. Habang si Kyle kasama niya si Mama kung san san nag pupunta bukas pa daw kami mag Island Hoping sayang naman dapat ngayun nalang para masaya eh.
Nang makarating kami ng dagat ni ate kyla lumingon ako sa likod ko at tinignan ko sila Mama at Kyle pero hindi ko na sila nahagip ang nakita ko si Kuya nalang nag lalaro ng buhangin. Tignan mo monggoloid talaga yun. Napaka isip bata eh. Alam mo yun sabi nila gwapo daw ni kuya tapos ang tangkad at ang puti kaso nga lang guys isip bata.
"Kyz, Lika picturan mo ko dito tas sunod kita picturan" Since nag blogger ate ko, Kaylngan ko maging magaling na photographer niya. Maganda din tong ate ko kasi napaka HB high blood. Short temp kumbaga. Ako at si Kuya mahaba pasensya tapos si ate at si kyle napaka high blood ng mga yan promise.
Pagkatapos ko siyang picturan pumunta ako sa dagat tinignan ko ung tubig ang ganda blue na blue ang ganda talaga kaya pinicturan ko ito. Pagtapos ko itong picturan pumunta ako dun kung asan ung kuya kong abnormal. Ayown nag lalaro parin ng buhangin
"Oh bat andito ka?" tanong niya sakin sabay binato ako ng buhangin tapos nakataas ung kilay, kahit naka shades kaming dalawa alam naming na tumitirik mga mata naman
"Panget mo kasi nakakainis" Sabi ko na kahit walang connections pang aasar lang ang sarap kaya asarin nito kapag hindi naming kasama ung tropa nito
"Ay Kyz, Lika may sasabihin ako sayo" Sabi ni kuya sabay umayos ng upo
"Bakit? Ano yun? Sabihin mo na!" Sabi ko sabay tinignan ng masama"Lika nga kasi!" Sabi nito hindi ako lumapit kasi alam ko pinagtitripan ako nito eh.
Nang biglang dumaan si ate kyla
"Kyla! Lika dito may papakita ako sayo" Sabi ni Kuya dali daling lumapit si ate kay kuya hindi ko inaasahan ang gagawin ni kuya. Pagkaupo ni ate kyla sa tabi bigla nitong sinubsub sa buhangin tayo ng tayo si tuleg tapos biglang takbo
"Hayup ka kyzer! Tanga wag kana mag papakita sakin!" Sabi ni ate galit na galit habang ako tawa ako ng tawa
"Ano tinatawa mo diyan?" Sabi niya sakin tapos inirapan ako
"ito towel tutal mahal naman kita kahit uto uto ka" Sabi ko dito binato ko ung towel sakanya at tumakbo na ako kasi alam ko pagiinitan din ako nito."Tanga wag kayo magpapakita sakin letche!" Kahit medyo malayo na ako kay ate rinig narinig ko parin ung pag kasigaw niya nun sakin.
Sa sobrang walang magawa ng monggoloid kong kapatid ayan tuloy si ate kyla napagtripan nito. Kapag bored kasi yan naglalaro sila ni kyle ng batuhan ng kung ano ano kaya madalas masira mga gamit sa living room dun sa taas sa bahay namin tska lagging beastmode si mama.