Chapter 10: Challenge

618 6 0
                                    




Kyzer's Point of View

"Kyle picturan mo nga ako dito" Inutusan ko si Kyle na picturan ako kasama ung Bangka na maganda gusto ko ipost sa facebook baka dumami yung chiks ko eh joke lang hahaha

"Wait lang Kyle ako pa" Sigaw ni Kyzi na nakapost na katabi ang isa pang Bangka na blue

"Panget naman nung subject" Bulong ko nagulat ako ng binatukan ako

"NARINIG KO YUN" Sigaw nito sabay kinuha yung phone niya kay kyle

Napakaligalig naman nito. Mag tatlong araw na kami dito uuwi na din kami bukas kasi may work pa si Mama sobrang pursigido si mama sa trabaho niya. Buti nalang Graduating si ate. Kami nalang nila Kyle at Kyzi ang nag aaral

Napangiti ako nung nakita ko na nakangiti si mama habang pinapanood sila Kyle kasama niya dalawa niyang ate

"Mga panget sali ako" Sabi ko sabay takbo papunta sakanila

"Bawal ka dito kuya" Sabi ni Kyle, Nagtaka ako kung bakit bawal ako?

"Panget ka eh" Biglang banat nito onti nalang din kyle masasapak nadin kita actually

Sumali ako sa laro nila habulan daw sa tubig nakakatawa paano ka tatakbo sa tubig? Monggoloid talaga nag isip nitong laro nila eh. Pustahan si Kyla nag isip nito utak din monggi tong ate ko eh.

"OY KYZER TAYA KA!" Sigaw ni Kyla habang naka upo sa buhangin

"Ayoko na madaya kayo eh" Sabi ko sabay kinuha kay Mama yung tubig dahil napagod ako dun sa kalokohan ng mga ito

"Ikaw madaya diyan eh" Sabi ni Kyzi na sinigawan nanaman ako sa tenga hilig nito manigaw siguro kawawa mga classmate nito dahil sigaw ng sigaw

"Kain muna tayo" Aya ni mama habang nag papaunahan kami ni Kyla tumayo

Naglalakad kami papunta dun sa bilihan ng native foods nila dito sa Palawan pero gusto ko ng something na sweet kaya pumunta ako dun sa may bilihan ng yema gusto ko ng sweet idk why?

"Kuya bili mo ko ng yema" Sabi ni Kyle habang nakatingin sakin

Hawak hawak nanaman niya yung niregalo ni Kyzi na toy car nihindi niya mabitawan yan promise kahit maliligo yan daladala niya yan monggoloid din to eh. Feeling ko tinuruan nanaman ng abnormal niyang ate kaya ganun

"Kyzer, Anak paki buhat nga ito" May ibinigay sakin si mama na bag waterproof to kaya kahit saan pwede mo dalhin

Napairap nalang ako kasi puro gamit nila Kyzi at Kyla to nakakabwisit diba? Pati si mama pinapabuhat ng mga ka ek ekan nila sa buhay pati ako nadadamay eh. Minsan iidadamay si Kyle pati bata pinagbubuhat eh.

Umupo muna ako dito sa may buhangin at nag build ng sand castle kasama si kyle habang sila mamaya nasa dagat nag pipicture yung mga maria ng buhay namin pero yung dalawa bwisit sa buhay ko yan eh.

"Kuya gawa tayo ng car dito sa sand" Sabi ni Kyle pinagtaasan ko siya ng isang kilay

"Muka ka ng car, Kyle" Sabi ko at tumayo para kumuha ng tubig sa dagat

Pinagmamasdan ko si Kyle ganito din ako nung kasing edad ko siya eh hilig namin nila kyla na gumawa ng kung ano ano tapos si Kyzi nag susulat sa sand, iba mundo ni Kyzi kaysa samin ni Kyla.

"Kyle. Laro tayo mamaya," Sabi ko sabay may naisip nanaman ako ng trip para kila mama

Habang nag lalaro kami ng buhangin ni Kyle at sila Mama nag tatampisaw pa sa dagat kasi ayaw pa umahon nila Kyzi at Kyla kasi ienjoy daw namin yung outing namin kasi minsan nalang daw. Tapos pag uwi ko may swimming uli kami nila Red pasimuno kasi yung kuya ni Red eh.

13thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon