Kyzi's Point of ViewHindi ko pigilan na hindi mag isip. Nakatulala nanaman ako sa kawalan at napapaisip sa mga bagay bagay. Ngayung taon na to ang pinaka last na meron ako sa masayang mga tao na andito. Sa isang bahay na kung saan madami kaming tutunan at madami kaming nakasama na ibang tao. Madami din nag bago sa loob ng 8months na pag sasama namin. Madami din mawawala. Madami mag iistay. Mas lamang lang talaga ang mawawala. Hindi ko masabi kung sino pero makikita natin ito. Ang taong ito ay ang pinaka masaya, madami man ang pagkakamali ngunit naresolved padin. Gusto ko ipaalala sainyo mga kaibigan. Kahit anong mangyari andito padin ang isa't isa. Hanggang sa dulo tayo. Hindi padin matatapps ang storya ng pagkakaibigan natin. High School lang matatapos. Napagtagumpayan natin ang mga challenges na napagdaanna natin. Naging maayos lahat. Ngayun ito ang pinaka hihintay natin. Ang araw na pinaka masaya at malungkot na araw. Hindi na siguro tayo iiyak diba? Mahal ko sayo, Kyzi Alexis Marasigan! Ready na para matapos ang taon na to.
Nakalipas ang isang linggo at ito na nga ang pinaka hihintay namin. Napatingin ako sa may Wall Clock na nasa may taas ng pintuan ko at napatingin ako sa salamin ko. Nakasuot ako ng damit na maganda suotin kapag nag kakaaral ka. OOTD ko to ngayun. Akala mo naman graduation ng College eh. Masaya ako kasi makakatungtong na ako ng colehiyo. Nakakulot ang buhok ko at nag make up ng sarili ko. Sila Mama at Ate Kyla ay nag aayos na. Kakagraduate lang din ni ate kyla kahapon. Dumayo pa kami ng Quezon City para lang umattend ng maganda nitong event sa school.
"Kyzi, Nakaayos kana ba?" Pumasok si Ritz na naka straight ang buhok nito, napatingin ako sakanya at niyakap ko ito. Mukang madadala din ata sila sa Canada ha? Kami ni kuya sa Malaysia. Hindi ko naman kaya na mahiwalay sakanila.
Pumiglas ako at napatingin kay Ritz, "Hoy bruha! Kapag nasa Malaysia kana wag mo kami kakalimutan ha?" Biglang tumulo ang luha nito at niyakap ako uli.
"Ano hindi ba ako kasali diyan?" Napatingin kami sa may tao sa may pintuan at nakita ko si Erin na nakakulot din ang buhok. Nag yakapan kaming tatlo at hindi maiwasan umiyak.
"Sayang make up" Natatawang sambit ni Erin habang umiiyak padin ito. Sila ang the best cousin in the world. Nakakatuwa dahil sabay sabay kami gagraduate ng HS. Akala mo naka graduate ng katulad kaya ate. Honor daw si ate kaya nakakaproud,
Bumaba kami at pumunta kami ng Living Room, nag rent pa si Mama ng photographer para daw kami picture kami na magkakasama. Hindi man namin kasama si Papa pero alam ko na masaya siya. Napapakahirap siya sa Europe kaya malamang masaya ito dahil natagumpayan namin ito. Nag retouch kaming tatlo at si ate Kyla ang nag make up saamin. Hindi masyadong makapal dahil mas maganda kung light lang ang make ups namin.
Pinaupo kami ng photographer sa may sofa namin at inayos ang posisyon ng upo namin. Nasa gitna si Mama at kabilaan kami ni ate Kyla. Katabi ko si kuya at si Kyle naman katabi ni ate Kyla. Nakatingin saamin sila Tita Jas, Oo umuwi si Tita Jas para lang mapanood ma gagraduate na sila Erin. Pinaupo din namin si Mami at nag picture uli kami. Hanggang sa family picture na talaga ang naging kalabasan. Madaming shots ito kaya nakakatuwa.
"Jas, Umupo kayo dun at mag papicture" Sambit ni Mama habang nag pupunas ng pawis sa kanyang noo. Umupo sila Tita Jas sa may sofa at nag picture din. Kasama si Mami at Mama.
"Hooy mga graduates din dapat!" Sambit ni ate Kyla at pinaupo kami dun uli. Nasa gitna kami ni kuya kyzer, Katabi si Erin at katabi kuya si Ritz. Madami itong shots at madaming stolens & wacky. Pinasama namin sila ate Kyla at Kyle na pumuwesto sa may likodan namin.
Papunta na kaming lahat sa school at si Mama na nag drive ng Avanza ni Kuya. Hindi kami nag kaysa sa iisang kotse kaya sila Mami at sila Tita Jas dun sa Mazda ni Mama. Marunong naman mag Drive si Tita Jas kaya siya nalang ang nag drive nila. Matagal pa ang simula ng Ceremony. 3:30 palang at 5:30 ang umpisa. Gusto siguro nila Mama na makipag usap pa muna kami sa mga Friends namin.