Chapter 5: Senior Week

874 13 0
                                    



Kyzi's Point of View

"KYZER!" Andito ako ngayun sa kwarto ni kuya kyzer para gising siya. Maaga kami ngayun dahil Senior week ngayun bawal malate masasaraduhan kami ng gate sa likod. May oras kasi yun hindi open lagi dun kasi madaming studeyante na nag cucutting dun dumadaan.

"FIVE MORE MINUTES KYZI!" Sabi ni kuya sabay tinakpan niya ng kumot yung mukha niya. Paano ko ba magigising to? Hays! Mabagal pa naman kumilos to lalo na kapag maliligo madami pang gagawin yan bago pumasok ng banyo!

"Maygash kuya! Nandiyan kaya sila Red sa baba!" Ayan nalamang ang lumabas sa bibig ko para magising to ngayun. Feeling ko tatalab eh. Pero hindi talaga hindi siya tumayo!

"Fine! Bahala ka diyan mauuna na ako sayo kuya gagamitin namin ni ritz yung honda" Sabi ko tska na ako umalis ng kwarto ni kuya.

Ngayun na pala ang senior week namin. Malapit na din ang fieldtrip namin. 2 weeks nalang. Pagtapos namin dito sa Senior Week, Fieldtrip kami. Buti nalang dun kami sa open field mag paparty bukas! Nakakabwisit nga lang tong kuya ko. Imbis na kanina pa kami nasa school eh. Pinabuksan ko na kay Manang yung gate sa likod para makaalis na kami. Ginamit ko yung honda ni daddy na hindi na namin nagagamit. Color blue to magandang kulay kaso hindi na nagagamit kasi wala si daddy. Hindi kami mayaman. May kaya lang. Kung titignan ninyo sa kotse oo mayaman kami sa kotse dun lang hahaha.

"Ky. Kumpleto na lahat. Bali yung prize nalang ang wala" Sabi ni ritz habang nag checheck ng mga dala namin.

It's been a week simula nun. Okay na uli yung left arm ko at pwede na ako mag drive ulit. Namiss ko mag drive omg. Namiss ko mag stroll with kyzer & kyle! Hindi na din kasi nakakauwi si ate kyla dito eh. May condo kasi siya malapit sa school niya kaya dun nalang siya natutulog. Homesick na ngayun eh.

Napansin ko na sobrang busy namin ngayun. Kahit sabihin ninyong Senior Week ngayun. Eh malamang sa malamang busy talaga kasi mag aayos pa. Hindi pa nga ata tapos ikabit yung mga decors namin eh. Hindi ko pa kasi nakakausap sila Grace at Kristine. Magagaling sila sa mga designs kaya sila na nag asikaso nun. Pero ang sinabi sakin ni Carlos maayos na daw naman lahat kaya yung iba nalang aayos. Yung dala naman na standee ng mga cartoons or whatever man ang theme namin andito dala nanamin. May party hats din kami and more. Its more like parties.

Beeeep

Unread Message from pogihanz

Goodmorning! Sunshine, Have a good day! Wag papagod ha? Bawal kapa mapagod pero sabi ni doc pwede kana mag kulit pero wag masyado! May dala akong breakfast puntahan nalang kita sa stoll ninyo mamaya. Ingat sa pag drive :)

Hanz. Hanz. Hanz

Hindi ko pasinasagot si Hanz. Pero nanliligaw na siya, Gusto ko si hanz alam niya yan. Pero hindi ko pa trip sagutin. Gusto ko muna ma feel ang single life no. Pero nanliligaw na siya sakin simula pa nung pumunta sila sa bahay namin nun. Habang nag swimming sila kuya nun kaming dalawa naguusap nung mga oras na yun tungkol sa panliligaw niya sakin. Ganun niya talaga siguro ako kagusto. But i felt something weird lang. Siya bakit parang iba na siya kumilos. Nihindi ko na din siya nakikitang pumapasok? Siya lagi kong napapansin di ko alam kung bakit. Kamusta nakaya Siya?

Pababa na kami ng kotse ng makita namin na madaming dala ang mga kaclassmate ni kuya. Hindi man lang niya magawa pumasok ng maaga para maaayos ung stoll nila. Hindi ba niya alam kapag walang stoll, No Grade for this quarter? Habang nag lalakad kami ay pumunta na kami sa may stoll kung san kami nasa asign. Nakita ko dun sila Grace, Kristine, Chloe, Carlos, Hannah, Gab at Franz mga kaclassmate ko na tumutulong para mag ayos ng stoll.

13thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon