Panimula

164 10 5
                                    


      
          “Nasaan tayo?” agad kong tanong sa pagmulat ng aking mata. Ginising ako ng matinding liwanag na nagmumula pala sa mataas na araw.

          Kami ay nasa lilim ng nag-iisang higanteng puno sa tutok ng isang borol. Napaliligiran kami ng maliliit at pantay-pantay na damong buhay na buhay ang kulay. Luntian. Isang luntiang borol ang aming kinaroroonan.

         Umihip ang sariwa at maligangam na hangin. Tanda ng tanghali na ako nagising. Tirik na tirik na ang araw sa gintong kalangitan.

   
          Teka! Ano?! “G-gintong langit?” Agad akong bumangon, mula sa pagkakahiga ay napaupo ako na bilib na bilib sa kulay ng kalangitan. Animo'y isang gabi na sinabuyan ng mga bituing nagkikinangan sa langit, ngunit malinaw na maliwanag. Ang mga ulap naman ay kulay pilak na kumikinang. Nakamamangha talaga. Iba ito sa alam kong kulay ng langit.

     
         “Tama ka. Dahil nasa ibang lupain na tayo. Ito ang kontinente ng Encradia.” paliwanag ng ginoo na nasa aking tabi. Nakaupo siya sa pagitan ng malaking ugat ng higanteng puno at malayo ang tingin.

          “At iyon...” turo niya sa kanyang tinatanaw gamit ang kanyang tungkod. “...iyon ang Bravora ang kabisera ng Valoria, kung nasaan tayo ngayon. Isa sa mga kaharian ng Encradia.”

          Tinungo ng aking paningin ang kanyang tinuran. At napanganga ako, lumuwa ang mga mata sa pagkamangha.

         
          Isang bundok. Mali, isang malaking siyudad na tila nakatayo sa isang bundok. Ngunit ang talagang nagpa-mangha sa'kin ay ang tila dambuhalang espada na nakataas ang talim sa tuktok ng siyudad. Sa sobrang laki nito ay mistulang hinihiwa nito ang mga ulap at nakatarak ito sa langit!

    
          “Woah.” mangha ko.

          Napasinghal ang ginoo sa aking tabi. “Ang Valoria. Ito na lamang ang natirang kaharian na nananatiling nakatayo sa lupain ng Encradia matapos ang isang matinding digmaan. Pero sa kasamaang palad, ang hari nito ay pumanaw rin sa digmaan.”

          Nagimbal ako. “Ibig sabihin. Babagsak na din ang kahariang ito?”

         
          “Hinde. Dahil sa kahariang ito, may kasabihan...”

           “Anong kasabihan? ‘Ang 'di lumingon sa pinanggalingan, patay na ang kabayo’?”

          “Hinde...”

          “Ang naglalakad ng matulin, may tae na sa pwet?”

          “Hindi rin.”

          “Ahh, ‘Pag binato ka ng bato, ilag, masakit?”

          “Siret na?”

          Nag-isip pa akong mabuti. Alam ko 'yun e. Teka lang...

          “Aha! Kapag may tiyaga, may bata!”

          Napa-rolyo ng mata ang ginoo.

          “Sige na nga. Kapag waley yan, lalayasan kita.” banta ko.

   
   
          Nagwika siya ng salitang banyaga at kasabay noon, may narinig akong mahiwagang sound effects.

   
          “Raise the Sword of Valoria, and the kingdom shall live for eternity.”

   
      
         At nagsimula na nga ang aking paglalaboy-laboy ng mag-isa...

        
   
     
     
          “Hoy! Bumalik ka dito!” habol niya.

   

     

---  

R.J.Olayres/KuyaRogz/PogingAuthor:
  
          Alam mo na kung ano ang disclaimer. Kabisado mo na yan. Yeah I know, plagiarism is a crime.

          Images on cover are not mine. Credit goes to the rightful owners.
   
 
  
          ~SoV™ 2017
          ©All rights reserved


Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon