II. Bagyo

77 9 0
                                    

Isang malakas na hangin ang umiihip papasok ng selda. Nakapag-tataka dahil ang alam ko, nasa dungeon ako ng Tore de Base ng mga Kawal, sa pinaka ilalim. Dito nila ako dinala, binugbog ng paulit-ulit hanggang sa mabalatan sila ng kamao. Madami akong dinurang dugo bago nila ako tigilan para mag hapunan. Mamaya siguro'y babalikan nila ako.

Namamanhid na ang buong katawan ko, pati ang mukha ko na sa tingin ko ay hindi na makikilala dahil sa pamamaga at dami ng pasa. Tsss... Sanay na 'ko. Hindi naman sa pagyayabang, graduate ako ng ALIPINary sa minahan bago ako maging palaboy--- Vagrant na lang para maganda pakinggan. Kaya itong pambubugbog nila? Wala ito! Hah! Yan lang ba ang kaya nila? Haha haha!!-- Are'ko! Wala nga palang mapag-yayabang sa biodata ko.

Isang mahabang upuan na yari sa makapal na kahoy, isang mapanghing timba, at isang maliit na butas na kasya lang ang daga. Ito lang ang narito sa masikip na selda. Nag-iisa lang ako at mukhang ako pa lang ang bilanggo dito. Hindi kaya pinapatay na nila ang mga nahuli nila? Wag naman! Sana mali ako. Sana mga nakalaya na lang sila, o 'di kaya'y nilipat na sa Bilibid!

Mukhang yung akala ko ang totoo. Naalala ko kasi, sabi ng Kapitan nila, siya daw ang papatay sa'kin. Naupo na lang ako at maghihintay ng aking katapusan...

Whooosshh.... sabi ng hangin na umihip papasok ng selda.

Ashoooshooo... sabi ko naman.

Osshooohoooshh.... sagot ng hangin.

Oh, diba baliw. Kausapin daw ba ang hangin.

Ang sabi nga pala niya nagkakagulo na sa labas. Sabi nino? Ng hangin.

"Nandito s'ya!... Uuhg!"

Umihip nanaman ang hangin. Ngayon ay ramdam ko ang lakas sa nag-v-vibrate na mga rehas at sa mga alikabok na nagkakarera papunta sa mata ko. Ang sakit na hindi ko pa napagdadaanan. Puwing.

Pagdilat ng mga mata ko, may kuryente na yata. Sa wakas, may liwanag na!

"Wag mo ko, pagkakamalang ilaw!" sabi ng isang boses bata.

"Aaaahhh!... Nagsasalitang ilaw!" sigaw ko na nakaturo sa nagsalita. Yung bolang umiilaw na lumulutang kanina.

"Shesh..." Lumabas siya ng selda, tumagos siya sa mga rehas at may tinawag. "Yuhoo!.. He's here!"

Dumating si Yuhoo at pwersahang binuksan ang pinto ng isang malakas na tadyak. Muntik pa akong tamaan ng bakal na pinto at madale ng tetano. Natulala ako. Ang lakas n'ya!

Yung Salamangkera kanina na tinulungan ko. Nandito s'ya para ako naman ang tulungan! Hallelujah!

"Wait! Sigurado ka? Siya yan? Ba't 'di naman kamukha?" Natigilan siyang lumapit at nandidiring tinignan ang mukha ko na para bang may AIDS ako. (Ang Iniiwasang Dimalunasang Sakit)

"Yup! It's him! Ewan ko ba kung bakit mukha s'yang kinulam ngayon, pero sabi ng pusu ko, s'ya 'yan. Yung poging bagets na tumulong sa'tin kanina!" sagot ng bolang umiilaw na lumulutang na nag-vibrate pa.

"Luh... May pusu ka?" pambabara ni Yuhoo.

"Arayko beh! Ba't ka ganyan?"

"Paki mo?"

"You rock!"

"Thank you."

"That's not a complement! You rock, kasi ang hard mo!"

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon