XIV. Bulaklak

62 8 0
                                    


          Isang malawak na espasyo sa kweba na pinalilibutan ng kumikinang na hamog. Itong mala-hamog na liwanag ay nagmumula sa isang malaking lawa sa gitna ng malaking espasyo. At ang lawa mismo ay nagliliwanag din.

          Hindi ko alam kung may kung ano sa hamog, pero simula nang pasukin ko ito ay nawalan na ng signal ang TAB ni Nute.
          Gayun pa man ay wala naman akong nararamdamang panganib. Sa katunayan ay nakahahalina pa ang dampi ng hamog sa aking balat.

          Katulad ng pagkamangha ko noon sa ginintuang langit ang pagka-mangha ko ngayon sa kumikinang na lawa. Lumapit pa ako para makita ito ng malapitan hanggang sa nakarinig ako ng isang boses. Malambing ang boses at pamilyar ito sa'kin. Tinatawag niya ako.

          At nang nahawi ang mga hamog sa harapan ko ay natulala na lang ako sa aking nakita.

          Tama ba yung nakikita ko? Sa gitna ng lawa may... may...

         ...may babaeng nakahubad.

 
         Hindi na ako nakakilos sa pagkatulala. May babae sa gitna ng lawa na naka-tayo at hanggang tuhod lang ang nakalubog sa tubig at kitang-kita ko ang kanyang magandang...

  
          likod.

          Nakatalikod siya sa'kin e.

          Mayroon siyang itim na buhok na sobrang haba na nakasawsaw sa tubig. Nang mahawi ng bahagya ang kanyang buhok dahil sa pag-galaw ng tubig ay may napansin akong umiilaw na pulang marka sa kanyang likod, sa malaking bahagi ng likod niya.

          Mukhang napansin niya ako at humarap siya sa'kin.

 
          Ngayon ay kitang-kita ko na ang kabuohan niya, tumayo ang mga balahibo ko sa katawan kasabay ng paninikip ng pantalon ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang napaka-gandang mukha niya...

  
  
          “Rumina?”

   
          Kamukhang-kamukha niya si Rumina. Bukod sa mahabang itim na buhok nito, siyang-siya si Rumina.

          Nanaginip na yata ako ah. Dahil ngumiti siya. Ngumiti si Rumina. At anak ng pusa, sooobrang ganda niya! Diyosa! DIYOSA!

       
          Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Napakusot tuloy ako ng mata, na siyang pinagsisihan ko.

          Dahil pagdilat ko ulit ay wala na siya sa harap ko. Hinanap ko pa siya sa paligid. Pero wala na talaga. Muli akong nagkusot ng mata, baka sakaling bumalik. Wala talaga!

          Napahilamos tuloy ako sa tubig ng lawa, napaluhod at tumingala na may kasamang pagtaas ng kamay sabay sigaw ng “Waaaahhhhh!..... Baket?!”

  
  
          Nahimasmasan din ako sa wakas ng mawala ang maliwanag na hamog at ibang liwanag naman ang tumambad sa'kin, nagmumula sa kabilang ibayo ng lawa, at iyun ay...

   
          isang maliwanag na daanan palabas!
     
    
          “Ya-hooo!..” sigaw ko sa tuwa at naglulundag pa 'ko.
  
          Sigurado akong daan yun palabas. Kahit malayo ay tanaw mula rito ang mga puno at isang maaliwalas na langit. Tanda ng nasa mababang parte lang iyon ng bundok.
          At kung susuriin mabuti ang dinaanan ko, sigurado ako, iyon na nga ang kabilang ibayo ng bundok dahil hindi ako tumahak ng daan na pabalik!

          Ang labasan! Natagpuan ko! Ang galing galing ko! Magbunyi!
   
  
          Matapos kong maglulundag at magsisisigaw, tsaka ko napagtanto, paano kung may halimaw pala sa malaking lawa?

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon