V. Kliyente

66 7 1
                                    


    
          “ANOOO?!”

          Hindi ko na kailangan ng cotton buds, sa sigaw pa lang ni Rumina, tanggal na mga tutuli ko sa tenga. Yun lang, may kasamang pananakal at makatanggal libag na pagyugyog.

          “Anong sinasabi mong palaboy ka lang huh?!” gigil na tanong niya habang walang tigil sa pag-shake sa'kin.

          “Ano bang malay ko sa kailangan n'yo? Bigla n'yo na lang ako dinala dito nang walang sinasabing rason e.” depensa ko na pinagsisihan ko agad. Wala akong ka-depe-depensa nang suntukin niya ako sa sikmura. Napaluhod ako sa trimmed damuhan. Ang sakit e.

         “Putang ina. Sa dinami-dami ng lalabas sa tabernang yun, isang palaboy pa! Kainis!

          Una sa lahat, sinayang mo na ang oras ko. Pangalawa, sinayang mo ang potion ko na isang taon ang pag-gawa. Pangatlo,  wala ka pang silbi. Kaya papatayin na kita.” gigil na saad ni Rumina. Nakakatakot siya.

         “Teka, sandali! Baka naman pwede natin 'tong aregluhin?” pigil ko sa ginagawa niya. Sa porma niya kasi ay mukhang gagawa nanaman siya ng salamangka.
  

          “Magaling ka ba'ng humawak ng espada?” tanong niyang naniningkit ang kanyang magagandang mata.

          “Hindi e.” sagot ko.

          “Nakapatay ka na ba?”

          “Hindi pa.”

          “Sa anong sandata ka magaling?”

          “Hindi ko alam. Wala yata.”

          “Malakas ka ba?”

          “Ewan.”

          “Basagulero?”

          “Hindi po.”

          “Buong buhay mo ba, hindi ka pa nakipag-away?”

  
          “Oo, oo!”

  
          “Tang ina! Anong silbi mo?!”

          “Marunong ako maglinis, magluto at magaling ako maglaba.”

          “FUCK!” sagad sa lakas na sigaw ni Rumina na may pag-piyok pa. Siguro'y gawa ng magbubukang-liwayway na at wala pa kaming tulog.

          Imbis na ma-impress, lalo ko lang yata nagalit si Rumina.

          “Ang kailangan ko tigasin sa labanan, hindi tigasin sa bahay!” Sa inis ay napakamot siya ng ulo. Natanggal tuloy ang hood niya at lumitaw ang makintab niyang pulang buhok na tinalian niya ng itim na laso sa bandang bunbunan. Yung bibig at ilong na lang natatakpan sa kanya, makikita ko na mukha niya.

   
         
          Nandito nga pala kami sa mabatong bahagi ng hardin, sa tabi ng lawa, malapit sa talon. Tahimik si Nute na tila may inaabangan na lumabas sa kweba na nasa tabi ng talon. Kung doon nga siya nakaharap ay hindi ko masabi.

          Inabala siya saglit ni Rumina. “Hoy! Nute! Kasalanan mo 'to! Ano ngayon ang gagawin natin?! Palpak ang plano mo!”

          Pero s'ya naman ngayon ang hindi pinansin ni Nute. “I can see them! Their close!” masayang sambit ni Nute sabay vibrate.

          Kabaliktaran ni Rumina na kaagad nag-panic.

          “Packing tape! Anong gagawin ko?!”

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon