XX. Kalibre

67 8 2
                                    


  
          Nagsimula na din sa wakas ang pinakahihintay na laban sa pagitan ni Thorin at ng Sugo ng Prinsesa, matapos ang kanilang mahabang daldalan.

          Ilan sa mga mandirigmang napabagsak ni Ash ay bumalik na rin sa bench pagkagising nila.
  
          Hindi sila makapaniwalang wala man lang silang malubhang pinsalang natamo. Lahat sila ay nagtataka kung papaano nangyari 'yun. Kung papaanong ni-isa sa kanila ay hindi napaslang.

          Sa ganitong aspeto, masasabi mo nang kakaiba si Ash. Pinakita niya sa'min na hindi mo kailangan pumaslang para manalo sa laban.

          Isang interesanteng Mandirigma. Iyun din siguro ang nasa isip ng karamihan kung bakit gusto nilang mapanuod ang huling laban sa halip na magpahinga na lamang.

          Ako. Nagising ako sa lakas ng sigaw ni Doctor Banger. Kasalukuyan na akong nasa likod ng tarangkahan ng arena at nilulunasan ng mga manggagamot.

          Pagkatapos nila akong lagyan ng benda ay tinungo ko na agad ang balkonahe kung nasaan ang nilalang na kung tawagin ay Homucuna. Masaya pa akong binati nito. Mula dito, kitang-kita ang kabuohan ng arena.
  
  
   
          “Tapus ka na!” sigaw ni Thorin habang nasa ere. Mukhang maaga niyang tatapusin ang laban. Gagamit na agad siya ng break art.
          Ang mismong teknik na ginamit niya sa Black Orcan Beast kanina.

          “Break art!... Bonecrusher!”

          Isang malakas na hampas ng Mjolnir ni Thorin ang tumama lang sa lupa. Nasurpresa man ay nagawa pa rin ni Ash umiwas.
          Pero dahil sa lakas ng impact ng break art ni Thorin sa lupa ay lumikha ito ng malakas na alon. Tumilapon si Ash at nagka-durog-durog naman ang mga tipak ng bato sa paligid.

          Through the name itself, Bonecrusher. Ang break art na dudurugin ang mga buto mo kapag direkta kang tinamaan nito. Ang teknik na 'to rin mismo ang dahilan kung bakit nagka-pira-piraso ang dating solid na stage ng arena.

          Dulot ng malakas na impact, hindi man direktang natamaan, naapektuhan pa rin ang katawan ni Ash. Nahirapan siyang makatayo. Ginamit pa niyang panungkod ang malaking espadang hawak niya para lang makatayo.

          Ang tibay din niya. Bagama't sugatan na at nanginginig na sa pagod ay nakukuha niya pa rin lumaban ng parang walang iniindang sakit.

          Wala rin siyang kaalam-alam kung gaano kabigat ang espadang hawak niya, -ang Worldbreaker. Isang de-kalidad na espadang sampung beses lang naman ang bigat sa normal na espada. Halos kapantay na niya ng lakas si Thorin. Alam kaya niya ito?

   
          “Haha-haha!... O ano? 'Di ka na 'yata makatayo d'yan!” usal ni Thorin na hanggang dito, dinig ang kayabangan. “Nagsisimula pa lang ako!” pagyayabang nito.

          May pagtataka sa mukha ni Ash na kahalo ang inis. Lalo pang nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang pagyayabang ni Thorin. Sa isang iglap ay nagawa ni Ash tumindig at ipormang muli ang Worldbreaker sword.
          “Ang hangin na dito ah. Ang lakas, pero wala naman silbi kung walang tinamaan.” pang-aasar pa nito.

          “Wala pala ha. Tignan natin.” inis na tugon ni Thorin.

          With that, sumugod ulit si Thorin at sinabayan naman siya ni Ash. Sumasabog ang tunog ng nagbabanggaang mga bakal. Kapwa sila napapa-atras sa lakas ng wasiwas ng bawat isa. Walang nagpapatalo. Bawat atake ng isa ay ramdam ang lakas ng isa. Palitan lang sila. Pantay.

         
          “Ang galing n'ya!” basag ng isang lalake sa katahimikan ng mga manonood. Tinutukoy niya si Ash. Maraming naman sumang-ayon sa kanya.

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon