XVIII. Isandaan

51 8 0
                                    


  
          “Hurr-yaaah!..” sigaw ng lalakeng umatake sa'kin mula sa itaas.

          Nasangga ko ang kanyang palakol gamit ang iron Bo Staff na nakuha sa mandirigmang napabagsak ko kanina. Pinihit ko ang staff para mahampas ng dulo nito ang mukha ng umatake sa'kin. Nabawasan siya ng ngipin at agad na natumba, nawalan ng malay.

          “Twenty-three!” bilang ko sa mandirigmang napabagsak ko.

          Andami pa nila, pero hingal na 'ko. Marami na rin akong tinamong sugat, pasa at bukol. Muntik na rin akong mabalian ng buto. At pulang-pula na ang bibig ko sa dami ng dinura kong dugo.

          Isandaan silang lahat, pero parang unlimited ang bilang nila sa paningin ko. Naduduling ako sa dami nila! Napalilibutan nila ang buong arena kaya dito ako napirmi sa gitna. Sa ibabaw ng naglalakihang tipak ng bato.

          “Huurr!..” Halos kababagsak lang ng isang kalaban nang sumunod na ang isa. Hinambalos niya ako ng isang gigantic Club. As in mas malaki pa sa malaking katawan niya ang sandata niya.

          Hindi ako nakaiwas. Sobrang sakit! Para akong nahampas ng dambuhalang tuod! Tumilapon ako't parang pancake na tumama sa isang malaking tipak ng bato.

          Tumakbo pa siya papunta sa'kin at naka-ambang hahambalusin nanaman ako ng armas niya. Parang nanay lang na nagpapauwi ng yagit na anak.

          Nakakita ako ng nakakalat na punyal sa malapit. Nang makuha ko ito, agad kong binato sa paanan niya. Sakto, sa talampakan niya ito bumaon.

          “Araay!” daing niya.

          Nabitawan niya ang kanyang higanteng pamalo at saktong bumagsak ito sa ulo niya. Sa bigat nu'n, agad siyang nahilo. Sinundan ko pa ng isang malakas na hataw sa kanyang ulo ng staff ko. Tuluyan siyang bumagsak. Nawalan ng malay.

   
          “Twenty-four.” bilang ko sa pagitan ng aking pag-hingal.

   
          Hindi rin basta-basta kalaban ang mga ito. Hindi sila tulad ng mga kawal sa Bravora na iisa ang kasanayan. Mga tunay silang Mandirigma. Iba't-iba ang kalakasan, sandata at pamamaraan. Kaya ang hirap nila pabagsakin.

          Matapos ang ika-dalawampu't apat na kalaban, wala nang sumunod. Nagtaka ako. Nakahinto na lamang sila sa paligid.

  
          “Magaling! Hindi ko akalaing makakarating ka sa puntong ito ng iyong hamon. Samantalang kanina, unang mandirigma pa lang, halos ikamatay mo na.” sabi ng lalaki sa aking likuran.

          Si Kapitan Kano pala. Kumpleto sa kanyang uniporme at may dalang bilog na kalasag.

          “Punto? Anong punto?”

          “Ang punto kung saan makakalaban mo ang isa sa mga pinuno ng mga mandirigma.”

          “Pinuno? Sino?” maang ko sabay lingon sa mga mandirigma sa paligid.
          Pero ni-isa sa kanila ay walang humahakbang palapit.

  
          “Sino pa'ng tinitignan mo d'yan?... Ako. Ako ang makakalaban mo!” sambulat ni Kapitan Kano at bigla na lang niya akong tinadyakan sa likod.

          Sumubsob tuloy ako sa mabuhanging lupa, gasgas mukha.

          “Maduga!” angal ko. “Akala ko, nandito ka para tulungan ako.”

          “Sinabi ko na sa'yo kanina. Makakaharap mo ang mga pinuno ng samahan. Nakalimutan mo na bang isa akong pinuno?”

          “Hinde. Akala ko lang kaibigan kita.”

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon