III. Agimat

75 8 0
                                    


    
         Madilim na ang kalangitan na aking nasisilip sa gitna ng mga ulap na pinipihit ng galit na galit na hangin. Wasak na wasak na ang Tore de Base nang makalabas kami dito. Tatlong palapag na lang ang natitira dito na unti-unti pang dini-dimolished ng malakas na hangin. Nagkalat ang mga piraso ng tore. Nagbabagsakan ito sa gitna kung nasaan kami.
          Sa kabutihang palad ay may harang na hangin si Rumina pananggalang sa mga nagbabagsakang debris. Kaya pala hindi ako dapat lumayo sa kanya, napaka delikado ng Salamangka niya. Ito daw ang ganti niya para sa nangyari kanina sa plaza. Nakakatakot!

          Naaawa ako sa mga Kawal na walang malay. Hindi ko alam kung dahil sa bagyo o dahil sa sapak ni Rumina. Basta mga tumba sila at tinatangay ang walang malay nilang katawan ng malakas na hangin. May ilang mga may malay naman na kung saan saan na naka-kapit, pero sadyang malakas ang hangin, tinatangay pa rin sila.

         “Woaaahhhh!... Katapusan na ba?!” sigaw ng isang kawal na mahigpit na naka-kapit sa puno na 'di nagtagal ay nabunot sa lupa na parang inaning kamote.

         “Akinse pa lang!.. Waaaahhh!..” sigaw naman ng isang paikot-ikot na sa ere. Kasama ng kanyang mais na joke.

         “Lord, patawad, dahil ako'y naging makasalanan, makasalanang nilalang, Lo-o-o-ord pata-aw-waaaadhhhhh!..” Ang isang 'yun ay hindi na natapos ang pagdarasal o pagkanta, tinangay na lang ng hangin.

         May nakita pa akong Kawal na mahimbing na natutulog kasama ng kanyang kama na tinangay na rin ng malakas na hangin. Tinangay na rin siguro ng hangin ang masamang panaginip niya.
    
  

         “That's what you get by messing with Rumina Catastrophe!” sabi ni Rumina habang naglalakad palayo sa tore at nagtatawa. Talagang sasadyain niya na lumayo sa tore para tuluyan itong ragasain ng malakas na hangin.

         Paghihiganti ba ni Rumina 'to? Bakit parang naglilibang lang s'ya imbis na galit?

 
          At dahil nga sa tuwa, bumibilis ang paglalakad ni Rumina. Hindi niya yata pansin. Napapalayo ang distansya ko. Kailangan kong humabol, dahil baka pati ako ay tangayin ng hangin. Ang hirap lang, mahina pa ang katawan ko.

         “Sandali!..” sigaw ko na para tumigil siya saglit. Pero hindi niya ako marinig sa lakas ng ugong ng bagyo.

         “Rumina wait! Si Ash!” Salamat kay Nute, tumigil si Rumina.

         “Tsk. Oo nga pala.” May dinukot siyang kung ano sa bulsa ng kanyang belt bag. At laking gulat ko nang mas malaki pa sa bag niya ang hinugot niya. Isang boteng long neck. Markang-dimonyo ang tatak. “Oh, inumin mo. Konti lang ha!” Sabay abot niya sa'kin.

        Nung una'y nagdalawang-isip ako na inumin. Umabot pa sa sampung isip, bago niya ako tignan ng masama. Ininom ko na bago pa man niya ako patayin. Konti lang ininom ko, grabe,  gumuguhit sa lalamunan. “A-ano ba 'to?” Napatanong tuloy ako. 

        “Ang mahiwagang inumin na nakakapag-pagaling ng mga sugat at nagbabalik ng lakas! Twew! twew! twew! twengengeng!..” Si Nute ang sumagot with matching own sound effects.

         At naramdaman ko nga na nawawala ang sakit ng katawan ko at bumabalik ang lakas ko.

         “Ang galing!” bulalas ko. Nawala rin kasi pati mga dating peklat ko sa braso at siguro'y pati na rin sa mukha. Ang gaan na nga bigla ng pakiramdam ko. Nawala pamamaga ng mukha ko. Pati yata hangover ko nawala.

          “KyaaaAaAa!...” biglang hiyaw ni Nute na nag v-vibrate. “Oh diba! Ang gwapo gwapo n'ya! Pak na pak! What you say Rumina? Sabi ko sa'yo eeee.....”

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon