VI. Espada

71 7 0
                                    

  
  
          Limang tao na naka-hood at maskara. Ang bawat isa ay may pares ng dalawang klase ng sandata. Arm-blade sa kanilang kanang manggas at semi-automatic crossbow sa kaliwa.
         Sabay-sabay silang tumira sa'min ng palaso. Hindi ako tinamaan. Lahat ng palaso ay si Prinsesa Emie Lhuiller pala ang puntirya. Pero nagawa itong salagin ng kanyang robe at ng kapa ng taong baluti. Hanep, pierce proof!

         Apat ay nanggaling sa itaas ng mga puno. Ang isa ay sa ibabaw ng talon. Siya yung unang tumira ng palaso papunta sa Prinsesa na sinangga ng espada ng taong naka-puting baluti. Lumundag na rin pababa ang Assassin na tumira ng palaso.

          Ngayon ay pinalilibutan kami ng lima na naka-handa ang kanilang mga patalim.

          Pumorma agad si Rumina para sa kanyang salamangka. Pero pinigilan siya ni Prinsesa Emie Lhuiller.

          “Rumina, wag. Tandaan mo, hindi ke pwedeng gumamit ng salamangke sa lugar na 'to.” paalala ng Prinsesa. Tapos ay lumingon siya sa kasama niyang taong baluti. “White Knight, ikew ang lumaban.”

          Tumango lang ang taong baluti na White Knight pala ang pangalan.

          Narinig ko ang mahinang garalgal ni Rumina. Kinakati siyang lumaban. Pero hindi na kinailangan dahil napatumba agad nung White Knight ang mga kalaban. Teka! Pa'no n'ya nagawa yun? Lumingon lang ako saglit kay Rumina, pag lingon ko ulit, tapos ang buxing?

          “Whoooh! Ang galing galing mo Whitey! Yu da man!” At nag vibrate nanaman si Nute.

          “Tss.. Yakang-yaka naman pala e.” singhal ni Rumina.

   
          Pero nung akala namin ayus na ang lahat, biglang may mabilis na taong sumugod sa harap ni White Knight at sa isang iglap ay napatalsik niya ito ng walang kahirap-hirap. Yung baluti na mukhang kay-bigat na yun, nagawa niyang patalsikin?!

  
          “White Knight!” sigaw ng Prinsesang nag-aalala.

  
          Tumusok sa harapan ko ang mahabang espada ni White Knight. Muntik pa ako matuli ulit, kung hindi lang ako napaatras sa gulat..

     
          “Nyah haha! 'Yan na ba ang sinasabi nilang Puting Kabalyero ng Valoria?... Mahina!” sabi ng taong bagong dating.
          Mayroon siyang pares ng tonfa blades. Yung baluti niya, nasa balikat, braso, binti at baywang lang, the rest fitted black suit. Tangina, ang porma, astig!

          “Who are you? What is your purpose in life? What is your quote about love?” tanong ni Nute.

          “Duh?... As if naman magpakilala 'yan.” pagtataray ni Rumina. “Assassins nga e. Unless he's--”

          “Ako si Jinkei. Narito ako para patayin ang Prinsesa. At... ‘Love is not blind, it sees but it doesn't mind’.”

         Hindi ko talaga expect na sasagot siya. Napanganga tuloy ako.

          “--dumb.” tuloy ni Rumina.

   
          “Ngayon. Sino sa inyo ang Prinsesa?” tanong ni Jinkei na palipat-lipat ng tingin sa dalawang babae, at pati sa'kin?

          “What the fuck? Buti pa mga kasama n'ya marunong kumilala ng prinsesa.” sabi ni Rumina na natatangahan sa bagong dating na assassin.

  
          “Huwag keng mag-alala Prinsesa, we will protect you!”

          “A-ano? Bakit ako?”

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon