X. Taberna

64 7 1
                                    


   
          “SIL-VES-TER!...”

          Maluha-luha sa galak na niyakap ko ang aking pakners. Ang kasama ko kahit saang lupalop ng Valoria. Ang aking karamay sa paglalaboy. Ang aking unang kaibigan. Ang aking kasangga sa hamon ng buhay. Ang aking buddy for life---

          “Uhg-aahhg!”

          Pero mukhang hindi mutual ang aming feelings. Sinalubong niya ang yakap ko ng isang maka-durog butong sipa paharap, dahilan para magpatambling-tambling ako sa madayaming lupa ng kwadra, sa likod ng taberna.

          Kaya niyang manipa paharap. Ang galing 'diba? At promise, hindi mo gugustuhin na masipa niya. Taragis, ang sakit!
   
  
          “That's Silvester Stallion? Ang tikas! Ang astig n'ya!.. Pure white horse with dark eyes and, what's this?... Bionic limbs?! Whoaaaahh!.. He's so AMAZEEENG!..” saad ni Nute habang nag-v-vibrate at lilipad-lipad sa ulunan ni Silvester na sinusundan naman nito ng tingin.

         
         
          Kinabahan talaga ako. Akala ko, si Silvester na talaga 'yung nakahain sa kusina ni Ferra. Sa takot ko, dali-dali akong tumakbo mula Cuisina ni Ferra hanggang dito sa Ta-Ru-Gu.(Taberna ni Rustom Guttierez) Mabuti na lang, hindi. Hallelujah!

    
          “Bakit ko naman ibibigay para maging handa sa pista lang itong si Silvester? Kahit tunay na laman pa ang kanyang mga binti, hinding-hindi ko siya magagawang ipamigay, respeto ko na lang sa taong yun.” pahayag ng matandang kalbo na may-ari ng taberna.

          Ang tinutukoy niya sigurong ‘taong yun’ ay ang orihinal na may-ari kay Silvester, bago ito mapunta sa'kin. Ang taong nakaka-alam sa lihim ng mga artipisyal na binti ni Silvester, -isang klase ng stainless alloy na may kumplikadong mekanismo. May kakaibang ugali din at bisyo si Silvester na mahirap unawain, isa na nga doon ang pananadyak niya paharap.

          “Manong. Kilala n'yo ang dating may-ari kay Silvester?” tanong ko.

          “Dating may-ari? May iba na bang nagmamay-ari sa kanya?” ang balik na tanong ni manong kalbo.

          “Ako po.”

          “Pumayag na ba siyang sakyan mo?”

          “H-hindi pa.”

          “Kabayo mo hindi mo pa nasasakyan?” biglang singit ni Nute.

          “Ang sabi ko, hindi pa. Pero malapit na. Konting bonding pa at papayagan din ako ng pakipot na kabayong 'yan!” giit ko. Natawa naman si manong kalbo.

          Lumapit si Nute kay Silvester, sa gawing mata at tenga nito. May ginawang tunog si Nute pa parang sa kabayo.

          “Neighh... Whiiinnnyy... Nickerrr... Neighh neighh neigh... ” ani Nute.

           “Whiiiinnnyy... Nickerrrr.... Neigh neighh...” sagot ni Silvester.

          “Nganganga..” -ako. “Nute Nute Nute. Nakakapag-salita ka ng pang-Kabayo?”

          “Yes fafa Ash! Nag-masteral ako ng Zoolingualism. At ang sabi niya; hindi nga ikaw ang kanyang amo. Magbigti ka na daw dahil mas gwapo pa s'ya sayo.”

          Para akong nasabugan sa sinabi niya. Ang sakit sa damdamin. Maraming taon na kaming magkasama ni Silvester, pero ayaw niya talaga ako ituring na amo.

          “Pwes, sabihin mo sa kanya, iniwan siya ng kanyang amo sa'kin, kaya sa ayaw niya't sa ayaw talaga, ako na ang magiging amo n'ya!”

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon