XI. Yelo

71 7 0
                                    


    
          “Ano tanda! Hindi na ba kaya? Nabalian ka na ba ng buto d'yan? Lumabas ka d'yan kung talagang matapang ka at may angas ka pa! Hah-hahaha-ha!..” sigaw ni Kapitan Hwag Poe sa labas ng taberna na parang nag-aamok na lasing lang.

         Tulog na! Wag kang maingay! Gusto kong isigaw paglabas ko, pero hinarangan ako ni Rumina. Siryoso ang mga mata na nakatitig sa'kin parang sinasabi niya sa'kin na...

          “Ako ang lalaban.” Ayan nga, sinabi na n'ya.

          “Hinde. Laban ito ng mga taga taberna.” giit ko.

          “Luh? Taga taberna ka?” pambabara niya.

          “Islayt...” nag-aalangang sagot ko. Expected ko, masasampal ako, pero walang sampal na dumating.

          “Gung-gong! Wag kang atat. Kung may natutunan ka man sa napanood mong laban kanina, itabi mo muna. Ako ang hanap n'ya kaya akin ang laban na 'to.” biglang sungit ng tono ni Rumina.

          “Yes boss.” sabi ko na lang kahit masama ang loob ko.

          Kung kailan kasi may lakas ako ng loob lumaban, tsaka pa ako pipigilan. Ewan ko, feeling ko kasi kaya kong labanan si Kapitan Hwag. Tsaka gusto kong ma-impress sa'kin si Rumina.

         
          “Catastrophe! Nagpakita ka na rin sa wakas! Sumusuko ka na ba? Siguro ngayon ay takot na takot ka na!” hiyaw ni Kapitan Hwag nang makita si Rumina na lumabas mula sa taberna.

          “Ulul! Ako si Rumina Catastrophe. Isang dakilang Arcanian. Ang pinaka-maganda, pinaka-malakas, pinaka-magaling at pinaka-makapangyarihang salamangkera sa buong Encradia. Walang sinoman o anuman ang makakasindak at magpapasuko sa'kin, hung-hang!”

          “Hah! Humanda ka nang kainin yan! Nakita mo 'to hah? Hah?! Nandito na ang katapat mo mangkukulam! Eto! Eto hah! Eto ka lang!” Nagtaas ng dalawang gitnang daliri ang kapitan.
          Ngayon ay may dalawang singsing na siya. May panibagong agimat siya!

          Kampante lang na tumugon si Rumina. “Sa'n mo naman napulot yan? Sa basurahan? Alam ko kung anong klase ng basura 'yang dala mo ngayon. At ipapaalam ko sa'yo ngayon kung gaano 'yan kabasura!”

          “Hah! Baka nakakalimutan mo kung ano ang taglay kong agimat! Idagdag mo ngayon ang isang Invisible hard skin! Isang malupit na kumbinasyon!
          Hindi mo na 'ko masasaktan ngayon gaya ng ginawa mo sa'kin noon. Medyo ramdam ko pa ang sakit hanggang ngayon, pero mula ngayon, hindi na! Hinding-hindi mo na 'ko masasaktan.”

          Malamang. Kagabi lang yun e, -sa isip-isip ko.
  
         “Reflect magic +Physical armor +Espada Ropera +Ang talino ko =Katapusan mo na! Haha-haha!..” pagmamayabang ni Kapitan Hwag na nakataas pa rin ang dalawang gitnang daliri.

          “Kung talagang matalino ka, nasaan ang mga kawal mo?”

          “Hindi na kailangan, ako lang sapat na! Bwah-hahahaha!..”

          “Bobo talaga... Kung ikaw lang sapat na, 'di mo na sana pinasugod ang mga kawal mo. Ano, nasaan sila ngayon? Mga sugatan! Mga nadamay lang sa personal mong motibo ng paghihiganti. In short, wala kang kwentang pinuno! Hindi ka dapat naging Kapitan!”

  
          Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang 'yun sa kanya. Akala ko, isa siyang salamangkerang walang puso. Napapa-isip tuloy ako kung masama ba talaga si Rumina.
  
       
          “Hate talaga ni Rumina ng mga selfish at stupids. Kaya, fafa Ash. Hayaan mo na siyang lumaban, okay?” ani Nute. Napatango na lang ako.

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon