XIX. Mandirigma

54 7 0
                                    

  
          “Ugh!”

          Isang hindi ko nakitang sipa ang tumama sa likod ko. Dahilan para mapagulong ako paibaba ng borol. Nanginginig akong bumangon habang nasa nananakit na likod ang isa kong kamao. Hindi lang pala likod, maging ang buong katawan ko, masakit na masakit na masakit na masakit na.

          “Ayos! Panalo na naman! Haha-ha!” bulalas ni Tanda.

          Hindi naman siya ganoon katanda. Nasa trenta y singko lang siya. Ayoko lang siya tawaging Master o Guro, o kahit anong magalang na tawag. Hindi siya kagalang-galang! Isa siyang ungas!

         “Teka. Nakakailang rounds na ba tayo?” tanong niya.

          Hindi ko na matandaan. “Three hundred!” pagsisinungaling ko.

          “Two hundred, ninety-six pa lang. Wag kang madaya.” saad niya.

          “Alam mo pala e! Nagtatanong ka pa!” singhal ko sabay luhod sa pinong damuhan ng borol at tinusok ko ang espadang kahoy na hawak ko sa lupa.

          Hindi ko na talaga kaya. Ang sakit na ng katawan ko. Sagad na ko. Samantalang siya, parang di man lang pinagpapawisan. Halimaw!

          “Ayoko na! 'Di ko na kaya. Mamamatay na 'ko!” pagsuko ko.

          Natawa ang Tanda. Maging  si Silvester sa tabi habang nanginginain ng damo, tawa din. Mag-amo nga sila. Pareho ugali at pagmumukha.

          “Infairness, gumagaling ka na. Dati wala kang binatbat. Pero ngayon, fifty out of two hundred ang panalo mo. Konti pa, magagawa mo na akong talunin.”

          “Hooo... Ikaw na din ang nagsabi na marami pa akong kakaining bigas, kaya malabo 'yun. Dahil unang una sa lahat, 'di naman ako kumakain ng bigas.” Tinawanan lang ako ng Tanda.

 
          “Naalala ko tuloy noong binata pa ako,” panimula niya. “kahahawak ko pa lang noon ng totoong sandata pero napalaban na ako sa isan'daang mandirigma at isa pa sa kanila, ay isa sa mga pinaka-malakas na mandirigma ng Valoria.”

          “Isandaan?! Weh? Barbers...” hindi makapaniwalang komento ko.

          “Totoo ito. Isa 'yun sa mga pinaka-siryosong laban ko.”

          “Oh, tapos? Anong nangyari?” interesadong tanong ko.

          “Syempre, nanalo ako. Ako pa! Hahaha-ha!” pagyayabang niya. Pero bigla siyang natahimik na nakangiti nang may naalala.
          “Pero hanggang ngayon, hindi pa tapos ang laban namin ng Mandirigma na 'yun. Malakas siya, pero isang ungas. Nyah-haha-hah!...”

          “And so? May lesson ba 'dun? Nagyabang ka lang e.” Naniningkit ang mata ko.

          Natawa ulit ang Tanda bago magsalita. “Kagaya mo ngayon ang naging laban ko. Akala ko, tapos na ko dahil duguan, bugbog at ubos na rin ang lakas ko. Pero doon pa lang nagsisimula ang tunay na laban. Doon ko din natuklasan kung gaano ako katatag.” saad ni Tanda at bigla na lang ulit nag-siryoso. Bipolar bear. Ampota.

          “Tandaan mo to. Isang beses sa buhay mo bilang Mandirigma, darating ang pinaka-malaki mong laban. At kapag dumating ang oras na 'yon, hindi mo masasabi kung handa ka na ba o hindi. Kaya ang dapat mong gawin ay magpaka-tatag.”

  
          “Tangna, ang siryoso ah. Wag kasi titira ng damo. Si Silvester lang ang kabayo dito.” pambabara ko. Baka kasi maiyak pa e.

Sword of ValoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon