Chapter 1
Trevor's POV
"Touch her and I'll kill you." walang emosyong sabi ko at itinutok sa kanya ang baril na hawak ko.
Agad natigilan ang lalaki at tila nanigas sa kinatatayuan ng marinig ang boses ko. Kaya sinamantala ko iyon para mabilis na makalapit sa kanya at ipukpok sa batok niya ang baril na hawak ko. Bumagsak siya sa semento at nawalan ng malay.
"Anak ng! Sino ka ha!?" may sumigaw sa kung saan. Inilibot ko ang mata ko sa bodega. May dalawang lalaking papalapit sa akin na may hawak na bat, habang iyong sumigaw naman sa akin ay pilit ginigising ang kasamahan niyang nawalan ng malay.
Hinarap ko ang dalawang papalapit sa akin at ngumisi.
Let's get in on, baby.
Agad akong pinaulanan ng dalawa ng mga hampas gamit ang kanilang bat. Puro iwas lang naman ang ginawa ko. Isunuksok ko ang baril na hawak sa likuran ng pantalon ko dahil mukang di ko naman ito magagamit.
"Pakelamero! Katapusan mo na, bata!" ani ng isa sa kanila habang hampas ng hampas ng bat sa akin pero kahit isa ay 'di naman ako natamaan.
"Tangina! Pupunta na sana kami sa langit ng babaeng iyon napurnada pa! Gago ka ah!" sabi niya at tinuro pa si Farrah na iyak lang ng iyak.
"Daming dada." sabi ko at yumuko para maiwasan ang dalawang bat na tatama sa akin at mabilis na umikot sa likod nilang dalawa. Agad kong pinuntirya ang batok at binti nilang dalawa. Nawalan sila ng balanse pero agad din namang nakabawi.
Nanlilisik ang mga mata nila ng bumaling sa akin. "Lumalaban ka ha." anito at muling umambang ipapalo sa akin ang bat pero bago pa man iyon tumama sa akin ay nasalo ko na ito. Buong pwersa ko iyong itinapon kaya't humagis ito pati na ang may hawak nito.
Pagkatapos ay iyong isa naman ang umamba sa aking ipapalo ang bat. Ganon din naman ang ginawa ko at umilapon din ito sa semento. Animong lasing na tumayo ang dalawa habang papalapit sa akin. Ni hindi na nila nakuha ang kanilang bat ng sumugod sa akin.
Suntok at tadyak ang ibinibigay nila sa akin na agad ko namang naiiwasan.
Nauubusan na ako ng pasensiya at nsgugutom na din ako. Isang mabilisan lang tatapusin ko na to.
Bago pa man dumapo ang dalawa nilang kamao sa gwapo kong mukha ay inunahan ko na sila. Isang suntok palang sa kanila ay natumba na sila. Hindi ako nakuntento at pinagsisipa pa sila hanggang sa mga mawalan ito ng malay.
Easy.
"A-Anak ng..." hinarap ko ang lalaking kanina pa ginigising ang kasama niya. Dahan-dahan akong lumapit dito at nanlaki naman ang mga mata niya. Pabalik balik lang ang tingin niya sa akin at sa mga kasamahan niyang mga wala ng malay.
"S-Shit." anito at kumaripas ng takbo.
Tss.
Agad akong lumapit kay Farrah na nakalupasay sa sahig at nanginginig pa. Umiiyak siya at mas lalo pang naiyak ng makalapit ako sa kanya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinarap siya sa akin. "I'm sorry. Im sorry. It's okay. I'm here. Hush, babe. Hush." niyakap ko siya at pilit pinatahan. Nang kumalma siya ay hinarap ko siya sa akin.
Pinasadahan ko siya ng tingin na nakapagpakunot sa noo ko. Gusot gusot ang damit. Kalat kalat ang make up dahil sa pag iyak. Bukas na ang unang tatlong butones ng blouse niya kaya't kitang kita na ang suot niyang panloob. "Damn! Muntik ka na nilang..." hindi ko matuloy ang sinasabi at muli siyang niyakap.
"B-Babe..." nanginginig niyang tawag sa akin.
Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan siya sa ulo, "I'm so sorry, babe. I love you..." sabi ko at dahan-dahang inangat ang mukha niya papalapit ng papalapit-
BINABASA MO ANG
She's a Beauty and a Beast
ActionTrevor Salvatore was a famous action star. With those deep-set of eyes, perfect angled nose, thick brows and lashes, kissable lips and prominent jaw, who wouldn't drool? Wait, who? Serenity Reese Morris, everyone. A girl that has a beautiful face w...