Chapter 9

159 62 7
                                    

Chapter 9

Serenity's POV

"M-Mommy... Y-You're... Y-You're bleeding, Mommy! Mommy!" naghihisterya na ako kaiiyak habang hawak hawak ko ang dibdib ni mommy na punong puno ng dugo.

Paglingon ko sa kusina ng mansyon namin ay nandoon si Daddy! Nakahiga ito sa sahig at walang malay. Naliligo ito sa sarili niyang dugo! Kahit nilalamon na ng kapal ng usok ang buong mansyon ay naaninag ko pa rin iyon.

"D-Daddy..." mahinang usal ko habang humahagulgol na. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Si mommy ba o si daddy.

Hindi ko na napigilang maubo dahil sa usok na nalalanghap. Agad kong itinakip ang dalawang kamay ko sa aking ilong at bibig.

Napalingon ulit ako kay mommy ng umubo ito, "B-Baby, listen to m-mommy. Y-You are a strong girl, right, b-baby?" hirap na hirap na usal nito habang hinahaplos ang pisngi kong basang basa na ng luha. Paulit-ulit akong tumango dito, "T-That's my girl. Listen carefully, b-baby. There's a bad guys in our h-house so you should escape bago ka pa niya magawan ng bad things, b-baby..." anito at umubo ng dugo.

M-Mommy!

Umiling-iling ako, hindi na ako halos makapagsalita dahil sa lakas ng paghikbi pero pinilit ko pa rin, "N-No. Hindi ko po kayo iiwan ni Daddy. Who are the bad guys, mommy? We should—" napatigil ako sa pagsasalita nang manlaki ang mga mata ni mommy habang nakatingin sa likuran ko.

"W-What's wrong, mommy?"

"N-No!" sigaw ni mommy bago ko maramdaman ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

"Shit!" sigaw ko at napabalikwas sa hinihigaan. Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang naghahabol ng hininga.

That nightmare again!

Akala ko ay natigil na ito dahil simula nang umuwi kami dito sa Pilipinas ay hindi ko na muli itong napanaginipan.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at dumiretsyo sa ref sa kusina. Kumuha ako ng bottled mineral water at ininom lahat ng laman no'n.

"Good morning, Sereni— What happened, girl? You look pale! Okay ka lang?" nilingon ko si Avery na kumakain na sa hapag. Umiling lang ako dito at naupo sa kaharap niyang upuan.

"Good morning, Philippines!" sabay kaming napalingon kay Cass na kalalabas lang ng kwarto niya. Kukusot kusot pa ito sa kaniyang mata ng lumapit sa amin.

Umupo ito sa tabi ko, "Good morning, Avery girl! Good morning, Reese!" masiglang bati nito sabay dampot ng hotdog na nakahain.

"Sigla mo ata, girl?" tanong ni Avery at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Ako naman ay sumandok na rin at nagsimulang kumain, "May bago ba do'n? Lagi naman." kaswal na sabi ko.

"Epal mo talaga, Reese! Hmp. Wala naman excited lang ako dahil ito ang first day natin na magsususot ng uniform!" aniya na halatang-halata nga kung gaano siya ka-excited.

Isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang pumasok kami sa Montgomery University at ngayong araw nga ang unang araw namin na masususot ang uniform nila.

Natigil lang kaming tatlo sa pag-uusap ng may mag doorbell sa unit namin. Si Avery na ang tumayo at tiningnan kung sino ito. Pagbalik niya ay kasama na niya sila Zach at Nicholas na pawang mga naka-uniporme na. Simpleng puting polo lang ito na may bilog na logo ng unibersidad sa itaas na kaliwang bahagi nito na tinernuhan ng kulay itim na slacks.

She's a Beauty and a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon