Chapter 10
Trevor's POV
"Pero isang bastos pa po na salita niyo sa kaklase ko, hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng paraan para mapatalsik kayo dito." magalang na sabi ko kay Sir Sy bago tumalikod.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko. Basta bigla nalang akong nainis kay Sir Sy dahil sa mga sinabi niya kay Serenity.
Ha! Pero hindi ako concerned sa abnormal na 'yon, ah! Concerned lang ako sa university na 'to. Dito na kami nag-aral simula elementary kaya natural lang na magkaroon ako ng pake sa school na 'to! Tama tama, concerned lang ako sa university!
Habang naglalakad ako pabalik sa cafeteria ay tulad ng dati ang dami na namang mga pares ng mata na nakatingin sa akin. May mga naririnig pa ako na mga babaeng tumatawag sa pangalan ko pero lahat 'yon 'di ko pinansin. Naiinis pa rin ako hanggang ngayon at hindi ko alam kung bakit!
"Oh? Akala ko ba iihi ka lang, kuys? Bakit ang tagal mo? Nag-number 2 ka, 'no?" nanunuyang sabi ni Owen ng makabalik ako sa table namin.
Katabi niya ang pinsang si Cassidy habang si Ryder at Farrah ay nakaupo sa mga katapat nitong upuan. Hindi ko pinansin ang pang-aalaska ni Owen at naupo sa tabi niya.
Psh. 'Yon nga pala ang ipinunta ko do'n. Pupunta sana akong C.R pero dahil sa inis ay umurong ang ihi ko.
"In-order ka namin ng foods, Trev. Here." sabi ni Farrah at binigay sa akin ang isang tray na may lamang burger at C2.
Napangat ang tingin ko sa dumating na si Serenity. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Ryder.
Hindi ko na nagawang magpasalamat kay Farrah dahil sa inis at basta nalang tinungga ang C2 habang masama ang tingin sa abnormal na babae.
Dapat ay sinapak niya si Sir Sy dahil binastos siya nito! Kung 'di ko lang napigilan ang sarili ko kanina ay ako ang sasapak do'n, e. Psh. Badtrip!
"In-order ka na din nila Owen, Serenity. Matatapos na rin kasi ang break. Bayaran mo nalang." untag ni Cassidy kay Serenity. Tumango naman ito. May mga pinag-usapan pa sila pero hindi ko na 'yon pinakinggan dahil wala ako sa mood.
Nang matapos ang break ay nagpati-una ako sa paglalakad. Pagdating sa classroom ay naupo agad ako sa puwesto ko. Agad namang sumunod ang mga kasama ko sa pag-upo.
"Are you okay, Trev? Kanina ka pa tahimik." puna ni Farrah na nasa tabi ko. Tinanguan ko lang ito bilang tugon.
"Kuys, ayos ka lang? Bakit ang tahimik mo? Natatae ka 'no? Sabi na nga ba at tumae ka kanina, e!" ayan na naman ang pang-aasar ni Owen.
Sinamaan ko lang siya ng tingin, "Ulul. Hindi 'no!" sagot ko dito.
Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang Lec namin para sa susunod na subject. Nagdiscuss lang ito ng nagdiscuss hanggang sa mga sumunod na subject ay ganoon lang din ang ginawa. Nang dumating ang huling subject ay nagbigay ito ng quiz sa amin, "Ang mga makakatapos sa quiz ay pwede ng umuwi." anito habang binibigay sa amin ang papel na sasagutan.
Sinulat ko ang pangalan pati na ang section bago nagsimulang sagutan ang 100 item quiz.
Taena. Quiz lang 'yan, ha?
"Kuys," rinig kong bulong ni Owen kaya't nilingon ko ito.
"Number 56," anito na walang lumalabas na boses sa bibig. Tiningnan ko ang papel ko at hinanap ang number 56.
"Pakyu ka. Letter A." bulong ko dito at bumaling sa harapan.
Nakita kong nakatingin sa akin ang Lec namin. Aish. Gago talaga 'tong si Owen. Pahamak amp!
BINABASA MO ANG
She's a Beauty and a Beast
ActionTrevor Salvatore was a famous action star. With those deep-set of eyes, perfect angled nose, thick brows and lashes, kissable lips and prominent jaw, who wouldn't drool? Wait, who? Serenity Reese Morris, everyone. A girl that has a beautiful face w...