Chapter 8
Trevor's POV
"Bye, Trevor!" ani Manager Mics at mga ibang staff ng magpaalam na ako.Buong araw kaming nag-shooting kaya't hindi ako nakapasok ngayong araw. Pero nagawan na iyon ng paraan ni Manager Mics at na-i-send na sa 'kin ng mga Lec ang mga lectures.
Diretsyo lang ang tingin ko habang nagmamaneho pauwi ng biglang mapatingin ako sa side mirror ng gamit kong kotse.
Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko at napapreno bigla. Kahit naka-suot ulit ito ng itim na mouth mask ay alam ko kung sino ito! Those jet black eyes...
Sylvia.
Bumalik lang ako sa wisyo nang mag over-take ito sa kotse ko at humarurot. Dali-dali kong pinaandar muli ang kotse ko at sinundan ito.
Nagkita ulit kami! Hindi ko maitago ang excitement sa sarili.
Patuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya hanggang sa pinarada niya ang itim na gamit niyang motor sa tapat ng parang abandonadong bodega.
Bodega ulit?
Ganoon din ang ginawa ko at ipinarada ang gamit kong kotse pagkatapos ay bumaba na. Nilingon ko ang gawi kung saan nakaparada ang motor nito pero wala na siya doon kaya't napakunot ang noo ko.
Nasaan na 'yon?
"Why did you follow me?" nanlaki ang mata ko ng marinig ang malalim na boses na iyon.
Paglingon ko sa aking likuran ay nagtama ang paningin namin. Paano siya nakapunta dyan ng ganoon kabilis? Marami akong gustong itanong ngunit hindi ko magawang makapagsalita dahil pakiramdam ko ay hinihipnotismo ako ng mga matang iyon.
"Tss." aniya na nakapagpabalik sa ulirat ko. May naalala pa ako dahil sa pag-tss niya pero 'di ko na iyon pinagtuunan ng pansin nang magsimula itong maglakad. Huminto ito nang makalagpas sa 'kin, "Stay there, and don't move." malalim ang nag-uutos na tono ng boses nito.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. Pero mayroon talaga akong napansin sa batok niya nang huminto ito kanina, maliit na kulay itim na koronang tattoo.
Mga ilang segundo pa ata akong natulala bago nagsimulang lumakad papunta sa abandonadong bodega na pinasukan niya. Nasa pintuan na ako at handa ng pumasok nang maalala ko ang sinabi nito kanina.
Stay there, and don't move.
Kaya't imbis na pumasok ay sumilip nalang ako sa pintuan. Nakita ko si Sylvia na nasa harapan ng limang mga lalaki. Pawang mga malalaki ang katawan ng mga ito.
Bakit siya nandito sa ganitong lugar at sino ang mga lalaking 'yan? Sila rin ba iyong sumugod sa kaniya noong nakaraan? Pero bakit?
"Nasaan si Ten?" tanong ni Sylvia sa mga ito.
Ten? Sino iyon? Pangalan ba 'yon?
"Bakit mo naman sa amin hinahanap si Ten, Ace?" nakangising tanong ng nasa gitnang lalaki. Iyon siguro ang leader nila.
Pero, Ten? Ace? Bakit ganoon ang mga tawag sa kanila? Naglalaro ba sila ng baraha?
"Wala akong panahong makipaglokohan, Yael." kalmadong sabi nito sa kaharap.
"Sino ba ang may sabing nakikipaglokohan ako sa 'yo, Ace? Wala talaga dito si Ten, hunghang! Nagkataon na naiwan niya ang cellphone sa kinakainang cafe na nagkataong kinakainan namin. Kinuha namin ang cellphone na naiwan niya at naisipang pag-trip-an ka. Malay ba namin na maniniwal—ah!" napatigil ito sa pagsasalita ng sakalin ito ni Sylvia, "B-Bitawan m-mo a-ako!" halatang hirap na hirap na ito dahil sa madiing pagkakasakal sa kaniya ni Sylvia. Pulang-pula na rin ang mukha nito na ano mang oras ay parang malalagutan na ito ng hininga. Nagsimulang sumugod ang apat na kasama nito kay Sylvia pero ginagawaran niya lang ito ng sipa sa mukha at sikmura habang hindi binibitawan ang sakal-sakal na lalaki.
Sylvia...
Gusto ko siyang tawagin pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Parang may nagsasabi sa akin na 'wag akong makialam.
Ganoon lang ang ginagawa niya pero napapa-arko ang mga katawan ng apat na lalaki sa tuwing bibigyan niya ito ng sipa sa sikmura hanggang sa tuluyan nang matumba ang apat at 'di na makatayo pa.
Bumaling ito sa lalaking hawak-hawak at mas idiniin ang kamay sa leeg nito. Tinitingnan ko pa lamang ang lalaki ay napapangiwi na ako dahil sa hindi maipintang mukha nito.
Tatawagin ko na sana si Sylvia nang magsalita ito, "Wala akong oras sa mga trip niyo kaya tigilan niyo, dahil kapag ako ang nang trip tutupiin ko kayong lahat sa walo." malamig na banta nito sa mga ito na kahit ako sa kinatatayuan ko ay nilamig din. Para bang kaya niyang literal na tupiin sa walo ang mga ito kung gugustuhin nito.
Nagulat ako nang makitang naglalakad na ito papunta sa gawi ko at ang lalaking sakal-sakal niya kanina lang ay uubo-ubong naghahabol ng hininga habang nakasalampak sa sahig.
Hindi manlang ako nito tinapunan ng tingin ng madaanan niya ako at dire-diretsong naglakad. "Sandali," pigil ko dito. "W-What's your name?" tanong ka nang huminto ito sa pagtawag ko.
Wala akong masabi kaya't iyan ang natanong ko. Hindi pa rin naman ako sigurado kung Sylvia ba talaga ang pangalan niya dahil Ace ang tawag sa kaniya ng mga lalaki kanina.
Bumaling ito sa akin at kahit nakasuot pa ito ng mouth mask ay ramdam kong ngumisi ito bago magsalita, "You already know it." aniya at nagpatuloy sa paglalakad.
You already know it.
Ano daw? Alam ko na? Teka so, alam niya na nasa akin ang bracelet niya? Bakit hindi niya sa akin kinukuha?
BINABASA MO ANG
She's a Beauty and a Beast
ActionTrevor Salvatore was a famous action star. With those deep-set of eyes, perfect angled nose, thick brows and lashes, kissable lips and prominent jaw, who wouldn't drool? Wait, who? Serenity Reese Morris, everyone. A girl that has a beautiful face w...