Chapter 7

226 71 33
                                    

Chapter 7

Serenity's POV

"Umalis na kayo habang nakikiusap pa ako ng maayos." malumanay na sabi ko sa dalawang lasing na kaharap ko. Binalingan ko si Tracy na nakalupasay sa semento habang walang tigil sa pag-iyak.

Pauwi na ako galing university nang mahagip ng paningin ko si Tracy Salvatore na hinaharang ng dalawa dito sa loob ng eskinita 'di kalayuan sa pinapasukang eskwenlahan namin. Wala akong nagawa kung hindi tulungan siya. Kargo de konsensiya ko pa siya kapag nagkataon.

Ano ba naman kasi ang ginagawa niyan dito? Napakalapit naman ng babaeng ito sa gulo.

"Masyado ka naman pakialamera, Miss beautiful. Kung papayag ka sa gusto namin ay papatakasin namin ang payat na iyon." anang isa na nakaturo pa ang isang daliri sa gawi ni Tracy habang lumalapit sa akin. Naamoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo sa hininga nito.

Tss.

"Bakit ko naman kailangang pumayag para lang mapatakas siya kung kaya ko namang makatakas dito kasama siya?" kalmadong sabi ko at ngumisi.

Mabilis na lumapit pa sa akin ang isa at galit na sumigaw, "Mayabang ka ha!" anito at tinulak ako nang makalapit pero hindi ako bumagsak dahil may sumalo sa akin.

"Nice pass." gulat akong napatingin sa mukha nito ng mapagtanto kung sino iyon.

Ano na namang ginagawa ng adik na 'yan dito?

Ngumisi ito at humarap sa akin, "Saka ka na kiligin kapag natapos ko na ang dalawang panget na 'yon. Sa ngayon ay dito ka muna sa likod ko. Just wait," itinuro niya pa ako pagkatapos ay ang mga mata niya gamit ang dalawa nitong daliri, "And see." dugtong niya at itinago ako sa likod niya.

Ano na naman bang sinasabi nito? Kakaiba talaga ang utak ng adik na 'to.

"Sino ka naman? Umalis ka nalang, bata, at pabayaan kami ng magandang dilag na 'yon!" sigaw nito at itinuro pa ako. Kumindat pa ito sa akin na ikinatawa nilang dalawa ng kasama.

Pasalamat kayo at dumating ang adik na 'yan kung 'di ay isang buwan kayong mananalagi sa ospital.

"Asa!" sagot ni Trevor. Nawala ang ngisi sa mga labi ng dalawa at sumugod kay Trevor, "Isa ka pang mayabang!" sigaw ng isa sa mga ito na may makapal na balbas at sumugod kay Trevor. Ganoon din naman ang ginawa ng kasama niya.

Pinag-krus ko ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib ko at sumandal sa pader habang pinapanuod sila.

Puro iwas lang ang ginagawa ni Trevor sa mga sipa at suntok na ibinibigay sa kanya ng dalawa. Nakapwesto sa likuran niya ang isa habang ang isa naman ay nasa unahan nito. Bale napapagitnaan siya ng mga ito. Nakaposisyon siya na pang depensa habang bahagyang umiikot sa kinatatayuan para makita ang galaw ng dalawa. Susuntukin na ulit sana siya ng isa sa mga ito ngunit yumuko ito at umiwas kaya ang kasama nito ang nakasalo ng suntok. Bago umalis sa pagkakayuko ay binigyan niya pa ng sipa sa binti ang dapat susuntok sa kaniya kaya't natumba ito at natangay pa niya ang kasama nito.

Magkapatong na natumba ang mga ito at hindi ko alam kung bakit bigla akong may maalala! Pucha!

Agad na tumayo ang isa at tatalon-talon pa muna sa kinatatayuan bago sumugod muli kay Trevor. Umamba muli ito ng suntok pero agad iyon nasalag ni Trevor. Hinawakan nito sa kwelyo ang lalaki at tinuhod sa tiyan dahilan para mapaubo ito at mabuwal.

Sumunod namang sumugod ang isa pa. Binalak nitong suntukin din sa mukha si Trevor pero tulad kanina ay yumuko lang ito para maiwasan iyon pagkatapos ay sunod-sunod ginawaran ng suntok ang tiyan ng lalaki hanggang sa patumba din ito.

She's a Beauty and a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon