Chapter 12

166 32 4
                                    

Chapter 12

Serenity's POV

Days had past na puro practice sa hataw sayaw at sa basketball ang nangyayari sa mga araw na ipinapasok namin ni Cass. Kasali kasi kami sa mga napiling magiging representative ng HUMSS kaya't excuse kami sa mga subject.

Nang mag-biyernes ay sinukatan na kami ng magiging uniforn namin sa basketball. Kinabukasan lang noon ay nakuha na namin agad ang uniform. Ganoon kabilis.

Ngayon ay first day ng intramurals.Inayos ko ang suot na itim na jersey. Litaw na litaw ang kaputian ng balat ko sa kulay ng suot. Sa gitna nito ay may pulang nakasulat na HUMSS. Sinunod ko ang shorts na katerno nito. Hindi ito ganoon kaikli pero hindi rin ito mahaba, sakto lang. Ipinusod ko ang buhok ko sa isa pagkatapos ay lumabas na sa kwarto. Naabutan ko doon sila Cass at Avery na pawang nagsisintas ng kanilang sapatos. Pareho kami ng suot ni Cass habang si Avery naman ay kulay pula ang jersey. Isa rin kasi siya sa napiling player ng basketball girls, sa IT Department naman.

Naunang matapos si Avery, nag-angat ito ng tingin sa akin, "As always, bagay sa 'yo, Serenity girl! You're so pretty talaga." lumapit pa ito at kumapit sa braso ko.

Sumunod naman na tumayo si Cass, "Aga-aga inuuto mo 'yang si Reese! Mamaya maniwala 'yan, e, biglang magmaganda!" nanunuyang pahayag nito at dumila pa sa akin.

Parang bata. Napailing nalang ako.

"Totoo kaya! Girl crush ko nga 'tong si Serenity, e." sabi naman ni Avery at inihilig pa ang ulo niya sa balikat ko kaya't pabiro kong tinulak ang noo niya.

"Hindi tayo talo, Avery." nang-aasar na sabi ko dito at ngumisi. Bumitaw naman sa pagkakakapit sa akin si Avery at ngumuso.

"Ayan! Tingnan mo, Avery, nagmamaganda na ang gaga!" singit na naman ni Cass.

"Tss. Dami niyong alam. Tara na. Ma-la-late na tayo." iiling-iling na sabi ko at nagsimulang maglakad.

Nagulat ako ng bigla na namang ipulupot ni Avery ang mga braso niya sa kanang braso ko, "Aye! Aye! Let's go!" ani pa nito.

"Let's go, sago!" energetic namang pahayag ni Cass at ipinulupot din ang kaniyang braso sa kaliwang braso ko.

Tss. Mga adik.

Napakagat ako sa labi ng may maalala sa salitang adik. Seriously, Serenity?

Nang makababa kami sa parking area ay nagpunta na kami sa kaniya-kaniyang sasakyan. Si Avery sa kaniyang kotse habang kami naman ni Cass ay sa mga motor namin. Sa wakas ay magagamit na ulit namin ito. Kapag kasi may pasok ay hindi namin ito magamit dahil sa uniporme namin pamasok. Nakikisabay lang ako kay Zach habang si Cass naman ay kay Avery. Ayaw kasi itong isabay ng pinsan na si Zach dahil sobrang ingay daw ni Cass.

"Bye! See you girls sa school!" paalam ni Avery sa amin at nag-flying kiss pa bago umalis.

Sumunod naman si Cass pagkasuot nito sa helmet niya, "Hoy, Reese! 'Wag kang tanga mag-drive, ha! Bye, una na ako!" anito sa akin at bumaling sa motor niya. Hinaplos haplos niya pa ito na para bang bata iyon, "I miss you, baby! Magagamit na ulit kita sa wakas! I'm so happy!" madramang pagkausap nito sa kaniyang motor bago ito paandarin.

Umiling-iling nalang ako at nagsuot ng helmet pagkatapos ay pinaandar na ang motor. Hindi ko maitatangging katulad ni Cass ay na-miss ko din ang paggamit ng motor ko. I smiled at the thought na isang linggo ko itong magagamit dahil hindi namin kailangan mag-uniform buong intramurals.

Pagdating sa parking lot ay nagkalat na ang mga estudyante na matatanaw sa loob ng university. Hinubad ko ang helmet at isinabit iyon sa motor ko.

She's a Beauty and a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon