Chapter 6

191 73 42
                                    

Chapter 6

Trevor's POV

Nang matapos ang training namin sa basketball ay dumiretsyo na kami nila Owen at Ryder dito sa cafeteria para mag lunch.

Sa susunod na buwan kasi ay Intramurals na namin at sa august naman ay Grand Slam na kung saan naglalaban laban ang pinaka malalaking university dito sa maynila sa larangan ng sports. Sinisimulan ang pagt-training pasukan palang tuwing miyerkules pero two weeks bago magsimula ang Grand Slam ay araw-araw na. Unang miyerkules ngayon simula magpasukan kaya kaninang umaga ang unang training namin.

"Teka, si Morris 'yon 'di ba?" napalingon ako kay Owen nang magsalita ito habang si Ryder ay patuloy pa rin sa pagkain. Wala pa ring pakialam sa mga bagay-bagay.

Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya at 'yung Morris nga. Nasa
malapit na siya sa entrance ng may tatlong babaeng humarang dito na nagpapakapalan ata ng make up.

Puta ano ba namang klaseng mukha 'yan. Daig pa coloring book sa kapal ng mga kolorete nila sa mukha.

"Not so fast." lalagpasan na sana ito ni Morris pero hinigit siya sa braso ng isa sa mga babaeng nakaharang sa kanya.

Sino ba ang mga babaeng 'yan?

"Bitaw." walang emosyong sabi ni Morris sa babaeng may hawak sa kaniya.

"Who do you think you are para utusan ako? Hindi mo ba ako kilala?" nakataas ang kilay na tanong ng babae.

"Hindi." aniya na hindi mo pa rin kakikitaan ng kahit anong ekspresyon sa mukha.

Ano ba naman 'tong babaeng 'to! Kahit ata hagisan siya ng bomba sa harap niya ngayon ay hindi siya makikitaan ng kahit anong reaksiyon. Abnormal!

"Ugh! I am Tiffany and ako ang president ng fans club ni Trevor! Nabalitaan lang naman namin ang ginawa mong pagsuntok sa mukha ni Trevor at ang ginawa mong pagsigaw kay Farrah!" galit na sigaw nito.

Hindi na ako nabigla sa sinabi niya dahil marami naman talagang fans club para sa akin at kay Farrah dito sa university.

"Ah." iyon lang ang sagot ni Morris.

Mukhang mas lalong nainis ang mga ito sa maikling tugon ni Morris sa kanila kaya inutusan nung Tiffany daw ang dalawa niyang kasama. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ni Morris ngunit hindi manlang ito pumalag. Ni magpakita ng emosyon ay wala pa din!

Robot ba 'tong babaeng 'to?

"Uy, kuys, umawat ka na. Mga fans mo pala 'yun, e." untag sa akin ni Owen kaya napalingon ako sa kanya.

"Ayoko nga. Bakit hindi ikaw? Ikaw nakaisip, e." sabi ko.

Pagkatapos akong sapakin ng babaeng 'yan? Psh. No way.

"Fans mo 'yan, e. Mas makikinig yan sa 'yo malamang." sagot nito.

"Ayoko pa din. Nakita mo ba ang ginawa sa 'kin ng babaeng 'yan kahapon? Sinapak niya ako, kuys! 'Yang si Ryder nalang ang paawatin mo!" angil ko dito.

Tuwing naaalala ko 'yon ay kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'yan!

"Kuys, si Ryder pa ba? Wala tayong aasahan dyan, kuys. Mas may pakialam pa nga ata yan sa pagkain niya kaysa sa nangyayari. Tingnan mo..." ani Owen kaya napalingon naman ako kay Ryder na busy sa pagkain.

Taena.

"Oh my God. Buti nga sa kanya."

"Serves her right? Ang kapal ng mukha niya para gano'nin sila Trev."

She's a Beauty and a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon