Chapter 13

172 20 3
                                    

Chapter 13


Trevor's POV


"Baka gusto mo ng tumayo?" I smirked pagkatapos kong masalo si Morris. Gulat pa itong napatingin sa akin pero nakabawi din naman agad.


Kinilig na naman 'to, pustahan. Namumula pa ang mukha, oh! Anong akala niya, apple siya? Psh. Iba ka talaga, Trevor. Matinik!


"Tss." Ayan na naman siya sa tss niya pero namumula naman.


Lalo tuloy lumawak ang pagkakangisi ko, "Mamaya ka na kiligin. May laro pa kayo, oh." sabi ko sabay turo sa court.


Pumito ang referee at tinawagan ng pushing foul si Tiffany. Nag-init ang ulo ko ng maalala ang ginawa niyan. Halata namang sinadya niya ang pagtulak na ginawa kay Serenity. Kitang-kita ko iyon dahil sa harapan namin 'yon mismong nangyari.


Pero hindi ako concerned sa abnormal na 'yan, ha! Ayoko lang talaga ng maduming maglaro. Nag-basketball pa. Sana nakipaglaro ka nalang ng putik kung gusto mo ng marumi. Psh.


"Lul." hindi ko alam kung anong tono ng boses ang gamit niya pero nalalapit iyon sa pandidiri. Para bang sobrang nakakadiri ng sinabi ko.


Wow, ah? Lakas!


"Abnormal!" asik ko dito pero umalis na ito at dumiretsyo sa free throw area. Badtrip! Kahit kailan abnormal!


Bumalik nalang ako sa inuupuan at badtrip na itinuon ang atensyon sa harap. "Wala ka pala, e. Nilayasan ka lang, kuys! Lul-zoned pa!" pambubuyo ni Owen na nasa tabi ko habang tawa ng tawa. Ginatungan pa siya ni Ryder at nakiasar din.


"Mga pakyu kayo. Tigilan niyo ko."


Binigyan si Morris ng dalawang libreng pagbubuslo na pareho naman niyang na-shoot. Hindi maitatangging magaling siya. Psh. Kaya nagyayabang, e.


"Okay lang 'yan, kuys. Kami lang nakarinig." Nasa mga naglalaro sa harap namin ang atensyon ni Ryder pero nagawa niya pa ring mang-inis!


"Mamaya ka na kiligin. May laro pa kayo, oh." At ginaya pa talaga ni Owen ang tono ng pananalita ko kanina.


"Lul." sagot naman ni Ryder na ginagaya pa si Morris.

Ampota!


"King ina niyo talaga! Mag focus ka nalang kay Avery, Wright! At ikaw naman, Hudson, doon sa pinsan niyang si Wright na machine gun! Psh." asik ko sa dalawa. Napangisi ako sa mga naging reaksiyon nila.


"Oh, e, 'di nanahimik kayo? Mga babae niyo lang pala makapagpapatahimik sa inyo, e!" natatawang sabi ko sa dalawa.


"Ulul. Tahimik talaga ko. Anong babae. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Tsk." asik ni Ryder at itinuon ang pansin sa game.


Ulul din siya. Biglang humaba ang sinasabi kapag si Davis ang usapan, e.

"Huwag mo ilipat samin, kuys. Galingan mo nalang next time pagpapapansin kay Serenity!" sabi na naman ni Owen.


Gago talaga kahit kailan! Ayaw paawat! At ako nagpapapansin?!


"Hindi nga sabi ako nagpapapansin doon. Bakit ko gagawin 'yon? Psh. Wala kang kwentang kausap. Manunuod na nga lang ako." Itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa game kaysa makipag-usap kay Owen na walang kwenta ang mga sinasabi.


Ilang segundo nalang at matatapos na ang game. Parehong 78 na ang score ng magkalabang team at kasalukuyang sa amin ang bola. Ibinababa iyon ni Davis habang tumatakbo papalapit sa ring. Bigla niya iyon ipinasa kay Pascual na nasa three point area na agad naman ipinasa kay Morris na nasa three point area din.


"Five... Four... three..." pagbilang ng announcer sa natitirang oras na nakapagpadagdag ng tensyon sa buong gymnasium.


Tinangkang i-block ni Tiffany ang tira ni Morris pero hindi siya nagtagumpay at libreng naihagis nito ang bola sa ere.


"Two..." Kasabay ng pagtunog ng buzzer ay ang pag pasok ng bola na hinagis ni Morris!


"Woah! Morris number two for three points! Congratulations HUMSS team!" pahayag ng announcer kasabay ng sigawan nang mga ka-department namin. Pinakamalakas ang sigaw ni Coach Zamir na halatang proud na proud sa mga players niya.


Agad naglapitan ang mga players sa puwesto namin kasama na si Coach. "Ang galing mo Morris! Omg! Group hug!" sabi ni Legaspi na tinanguan lang naman ni Morris. Mayabang na abnormal.


Napalingon pa ito sa akin kaya't inangasan ko ang tingin dito. Umiling-iling naman ito sa akin at ngumisi pa bago alisin ang tingin sa akin.


Abnormal talaga!


May mga sinabi pa si Coach pero hindi ko na iyon nasundan dahil nagsimula na kaming mga players mag warm up. Kami na kasi ang susunod na game at mga taga-IT din ang makakalaban namin.


Inubos namin ang oras sa pag fi-free throw hanggang sa pumito na ang referee senyales na magsisimula na ang game kaya't bumalik na kami sa gawi nila Coach.


Pagbalik namin ay nandoon pa rin ang mga basketball girls. Nakaupo si Morris sa kanina kong inuupuan habang magkakrus pa ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Naka-dekwatro pa siya ng panlalaki. Psh. Ayaw umayos ng upo!


"Oh, Salvatore, Hudson, Wright, Castillo, Morales. First five!" nawala ang atensyon ko dito ng magsalita si Coach Zamir. May mga itinuro ito na gagawin namin sa coaching board niya pagkatapos ay pinapunta na kami sa court.


Pinagharap-harap kaming mga players at pinagkamay sa mga makakalaban.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a Beauty and a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon