Chapter 4
Serenity's POV
Damn it! Saan ko ba kasi nalagay iyon?
"Reese, hindi kusang masusuot sa'yo 'yang uniform pang judo kahit maghapon mo 'yang titigan!"
Hindi pwedeng mawala 'yon. Pucha.
"SERENITY REESE MORRIS!" napapikit ako ng madiin ng sumigaw sa mismong tenga ko si Cassidy.
Pinanlisikan ko siya ng tingin, "What the hell, Davis! Isa pang sigaw mo tatanggalan kita ng dila." banta ko dito kaya't napanguso siya.
"Ang brutal mo talaga kahit kailan. Ano ba kasi tinutulala mo dyan? Kagabi ka pa wala sa sarili, ah. Simula noong bumisita ka sa parents mo naging ganyan ka na. Hindi ka pa nga nakapasok sa unang araw ng klase, e. Umamin ka, may nangyari 'no? 'No?" pangungulit pa nito.
Napabuntong hininga nalang ako at dinampot ang uniform pang judo, "Nawawala 'yung bracelet na bigay sa akin ni mom." pag-amin ko dito sabay pasok sa isang cubicle.
"What?! Paano nangyari 'yon? E, hindi mo naman hinuhubad sa katawan mo 'yon, ah!" rinig kong sabi ni Cass na nasa kabilang cubicle.
Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang inis.
Iyon nga rin ang tanong ko, e. Paano nawala iyon? Bullshit. Iyon ang kaisa-isang bigay sa akin ni mom bago siya mawala kaya't inis na inis ako sa sarili ko kung bakit ko iyon naiwala.
Nang matapos akong magbihis ay agad akong lumabas sa cubicle. Inilagay ko lang ang mga suot ko kanina sa loob ng locker ko pagkatapos ay humarap muna ako sa salamin at ipinusod ang buhok kong hanggang baywang ang haba. Inayos ko din ang kulay gray na suot kong contact lens. May grado ito. Tuwing papasok ay nagsusuot ako ng contact lens na may grado dahil may kalabuan ang paningin ko. Kung hindi ako magsusuot nito ay 'di ko mababasa ang mga isinusulat sa white board. Matapos no'n ay lumabas na ako sa locker room.
"Hoy, ano na! Magkwento ka, babae!" untag ni Cass sa akin nang makalabas siyang cubicle at makalapit sa tabi ko.
Lumabas ako sa locker room. Naramdaman ko naman ang pagsabay niya sa akin sa paglalakad. Luminga muna ako sa paligid bago magsalita. Nang makita na nauuna sa amin maglakad ang mga kaklase namin ay sinimulan ko ng magkwento sa kanya tungkol sa nangyari kahapon bukod doon sa tinulungan kong adik dahil wala naman koneksyon 'yon sa pinoproblema ko ngayon.
"What? Grupo ni Limuel Ty? E, 'di ba patay na patay sa'yo 'yon? Bakit ka nila ginanoon? Utos noong si Ty?!" sunod-sunod na tanong nito pagkatapos kong masabi ang lahat.
Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko din alam. Ang tanging gusto ko lang problemahin ngayon ay ang nawawala kong bracelet.
"Bitter siguro 'yong mokong na 'yon dahil binasted mo. Psh. Kapal ng mukha no'n ah. Anong klaseng bayag ang mayroon siya para utusan ang grupo niya na pagtulungan ka? Nako, 'wag lang papakita sa 'kin ang mga 'yon! Eespadahin ko talaga sila front and back!" nanggigigil na litanya nito.
Napabuntong hininga nalang ulit ako. Pilit iniisip kung nasaan na ang bracelet.
"Baka naman nalaglag mo sa sementeryo, Reese? O kaya nalaglag habang nakikipaglaban ka kila Yael? Balikan mo kaya sa sementeryo o kaya doon sa bodegang pinagrambolan niyo?" suhestiyon nito.
Umiling lang ako, "Ginawa ko na yan kahapon din kaya nga 'di na ako nakapasok at gabi na ako nakauwi." nawawalan ng pag-asa kong sagot.
"Okay lang 'yan, Reese. Baka naman na-misplaced mo lang. Mamayang uwian tutulungan ka namin ni Avery na hanapin sa condo natin." bakas sa kaniya ang pag-aalala habang sinasabi iyon. Alam niya kasi kung gaano kahalaga sa akin ang bracelet na iyon.
BINABASA MO ANG
She's a Beauty and a Beast
ActionTrevor Salvatore was a famous action star. With those deep-set of eyes, perfect angled nose, thick brows and lashes, kissable lips and prominent jaw, who wouldn't drool? Wait, who? Serenity Reese Morris, everyone. A girl that has a beautiful face w...