Chapter 11
Serenity's POV
Pagkatapos kong ma-i-shoot ang bola ay nilingon ko si Trevor. Umakto akong nag-sho-shoot ng bola sa ere para magyabang dito at kinindatan ko pa siya para lalong maasar.
Wala lang. Para lang siyang tanga pag na-aasar.
Nanlaki ang mga mata nito sa akin pagkatapos kong gawin iyon at nabitawan niya ang bola. Napa-awang pa ng bahagya ang mga labi nito.
Gusto kong tumawa ng malakas sa itsura nito pero pinigilan ko ang sarili. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ito pero hindi ko pa rin mapigilan ang pag-ngiti.
"Okay, guys! Magsisimula na ang try out. Miss Morris, maghanda na! Ikaw naman, Mr. Salvatore, mamaya na manligaw. Move guys!" sigaw ni Ms. Recinto kaya't naagaw nito ang atensyon namin.
"Hindi ko nga po siya nililigawan, Miss Recinto!" At sino pa ba? Isinigaw ulit 'yan ni Trevor at padabog na tumungo sa puwesto ng mga players na lalaki dito sa gym.
Muli ay napangiti ako dahil mukha siyang tanga. Tumalikod na ako para sana bumalik sa bleachers kung saan kami nakapuwesto pero bahagya akong nagitla ng makita si Cassidy na nasa likuran ko na pala. Diretsyo itong nakatingin sa akin na bahagyang nanliliit pa ang mga mata. Magkakrus din ang dalawang braso nito sa ibabaw ng kaniyang dibdib.Animong sinusuri talaga ako. Inalis ko ang pagkakangiti ko.
"Ano 'yon, ha? Bakit ka nakangiti?" tanong nito na tumataas pa ang isang kilay.
Nag-iwas ako ng tingin, "Hindi ako nakangiti." simpleng tugon ko.
"Kanina, Reese! Kanina! At may pag-kindat pa na nagaganap, ha?" sarkastikong sabi nito na may nanunuya pang tono.
"Wala 'yon. Inaasar ko lang 'yong adik na 'yon." sabi ko dito na totoo namang talaga.
"Ikaw, Reese? Nang-aasar? Lokohin mo lelang mo! Wala ka ngang pakealam sa mundo, e! May something talaga, e!" birada na naman nito.
"Ewan ko sa 'yo. Kung ano-anong iniisip mo." sabi ko nalang dito at nilagpasan para matigil na ito. Something, something. Tss.
Dumiretsyo ako sa bleachers kung saan nandoon ang mga bag namin at kinuha ang akin. Dinampot ko doon ang gatorade na dala at ininom. Nakita ko naman si Cass na nasa harapan ko ng muli habang ganoon pa din ang tindig.
Hindi ito nagsasalita pero titig na titig ito sa akin na para bang may matinding iniisip. Natigil lang ito ng pumito na si Ms. Recinto kaya't nagpunta na kami sa court.
Bago tuluyang maglakad si Cass ay tumingin ito muli sa akin at itinuro ang mga mata niya gamit ang dalawa niyang daliri pagkatapos ay ang sa akin naman ang itinuro. Para bang sinasabi nitong, "I'm waiching you."
"Tss. Baliw." iiling-iling na bulong ko sa sarili at nagpunta na din sa gitna ng court para makinig sa paliwanag ni Ms. Recinto at sa couch na kasama nito.
Sa una ay pinag-free throw muna ang lahat ng mga kasali. Sumunod ay sa three point area. Pagkatapos ay ginurupo kami sa dalawa at pinaglaban. Grupo namin nila Cass ang nanalo pero hindi doon ibabase kung sino ang magiging representatives ng HUMSS. Pinapanuod nila ang mga galaw namin, kung paano kami tumira ng bola, kung paano kami dumipensa at opensa at doon nila ibabase kung karapat-dapat ka bang maging representative ng track namin.
Nang matapos ay nagkayayaan sa cafeteria kasama ang pinsan ni Cass at mga kaibigan nito. Pagkadating ay um-order agad kami dahil may klase pa sila Cass pagkatapos nito at kami naman ni Trevor ay may practice pa para sa hataw sayaw.
"Anong tugtog ang gagamitin natin?" maya-maya'y tanong ko sa katapat kong si Trevor habang kumakain. Kanina ko pa pansin ang pagiging tahimik nito pero nagkibit balikat lang ako.
BINABASA MO ANG
She's a Beauty and a Beast
ActionTrevor Salvatore was a famous action star. With those deep-set of eyes, perfect angled nose, thick brows and lashes, kissable lips and prominent jaw, who wouldn't drool? Wait, who? Serenity Reese Morris, everyone. A girl that has a beautiful face w...