Chapter 2
Serenity's POV
"SERENITY REESE MORRIS! WAKE UP, WAKE UP, SLEEPY HEAD!"
Napabalikwas ako sa lakas ng sigaw na iyon, "What the heck, Cassidy Davis!" balik na sigaw ko habang masama ang tingin sa pintuan na animong siya mismo iyon.
Hindi siya talaga nakakapagsalita ng hindi sumisigaw. Kahit bulong niya ay maririnig pa rin ng mga kapitbahay. Ganyan kalakas ang bunganga niya!
Bumukas ang pinto at sumuwang doon ang ulo niya. Ngiting ngiti pa siya na para bang model siya ng toothpaste, "Hehe, good mor—" natigil siya sa pagsasalita ng batuhin ko siya ng dagger na nakapatong sa side table ko. Agad niya naman itong nasalo.
As expected. Siya ang expert sa amin pagdating sa knife and sword. Malayo palang ang patalim sa kanya ay nararamdaman niya na ito.
"Kala mo, ha! Ang sama mo talaga sa akin, Reese! Paano kung tumama 'yun sa eyeballs ko ha? Edi hindi ko na makikita ang maganda kong mukha! Hindi ko na makikita ang unang magiging jowa ko na tao dahil 'yong ex ko ay hayop talaga! Hindi ko na rin siya makikita sa harap ng aisle pag kinasal kami! Hindi ko na rin makikita mga anak namin pag nagkatao—"
Nilagpasan ko lang siya at lumabas ng kwarto. Dumiretsyo agad ako sa banyo upang magmumog at maghilamos pagkatapos ay nagpunta na ako sa kusina. Naabutan ko si Avery na naghahanda na ng almusal naming tatlo. Silang dalawa lang ni Cass ang kasama ko dito sa condo na tinitirhan namin. Actually kahapon lang naman kami nagsimulang magsama sama dahil kauuwi lang namin sa Pilipinas. Sa Japan kasi kaming tatlo lumaki pati na rin ang dalawa pa naming kaibigan na nasa kabilang unit. Lalaki kasi sila at kahit wala namang kaso sa amin kung magsama-sama kaming lima ay pangit pa rin daw tignan iyon.
"Good morning, babe!" ani Avery ng makaupo ako sa isa sa mga upuan kaharap ng lamesa.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin ng babe dahil iyon naman talaga ang trip niya sa buhay. Kung ano-anong kakornihan ang tinatawag sa amin, mapalalaki o babae man.
"Psh! Umagang-umaga binubwiset mo ko, Serenity Reese ha! Anong karapatang ang mayroon sa medyo maganda lang na kagaya mo ang talikuran ang dyosang katulad ko?" birada na naman ni Cass ng makaupo siya sa tapat ko. Tumabi naman sa kaniya si Avery na busy sa pagkakalikot sa cellphone niya.
"Tss," tanging tugon ko at naglagay ng fried rice, tig-iisang egg, bacon, ham, at hotdog sa plato ko.
Kahit naman anong kain ko ay di ako nataba kaya ayos lang na narami lagi ang lutuin ni Avery para sa amin. Siya kasi ang naka assign sa gawaing kusina. Bukod sa pag bo-boy hunt at pangongolekta ng make ups ay hobby din niya ang pagluluto.
"Huwag mo ko ma-tss-tss dyan, Serenity Reese Morris! Buti nga ginising kita dahil kung hindi ay late ka ngayong first day ng klase!"
Hindi ba nauubusan ng boses 'tong babaeng 'to?
"Ay, oh? Full name ang labanan, Cassidy Davis?" ani Avery at bumaling kay Cass.
"Oo, Avery Morgan! Palag ka?" sagot naman ni Cass sabay tusok sa hotdog gamit ang tinidor na hawak niya.
"Ewan ko sayo, girl! Ilang enervon na naman ang nasinghot mo! Hindi ka nauubusan ng energy sa katawang babae ka!" sabi ni Avery at nagsimula na ring kumain ng niluto niya.
"Hindi sinisinghot ang enervon, boba!" sagot naman ni Cass dito. Hindi talaga papatalo.
"Oh, edi hindi! Katol nalang, katol nalang! Ano happy?" sarkastikong sabi nito at hindi na inintay makasagot si Cass, bumaling ito sa akin, "Sabay-sabay na daw tayo nila Zach at Nicholas pumasok, nag bibihis na sila."
BINABASA MO ANG
She's a Beauty and a Beast
ActionTrevor Salvatore was a famous action star. With those deep-set of eyes, perfect angled nose, thick brows and lashes, kissable lips and prominent jaw, who wouldn't drool? Wait, who? Serenity Reese Morris, everyone. A girl that has a beautiful face w...