Chapter 3
Owen's POV
"Ryder Hudson?" tawag nung Lec namin sa P.E.
Bored na bored namang nagtaas ng kamay ang kaibigan kong si Ryder na nakaupo sa arm chair sa kanan ko.
'Nak ng pucha! Ganyan siya katahimik! Ni magsabi ng present ay hindi niya masabi. Minsan nga naiisip ko kung paano kami naging magkakaibigan ng ugok na si Trevor at yang pipi'ng si Ryder.
Siguro tama nga 'yung kasabihang, Magbiro ka na sa lasing. 'Wag lang sa bagong gising.
Oh, walang connect di 'ba? Basta gwapo ako 'yun na 'yon.
"Owen, where's Trev ba?" nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko sa kaliwa.
Si Farrah pala. Kaibigan din namin siyang tatlo. Kaming apat ang magkakababata. Simula ng magkaisip kami ay magkakakilala na kami dahil na rin magkakaibigan ang mga tatay namin.
"Ayun oh!" sabi ko at itinuro pa ang bukas na pintuan.Dali-dali naman siyang tumingin sa pinto na animong kinikilig pa pero agad din namang nawala iyon ng napagtantong niloko ko lang siya. Hindi ko na napigilan ang pagtawa. Pero mahina lang dahil baka sipain ako palabas ng dragona'ng Lec namin sa P.E.
"I hate you, Owen!" sabi nito sabay hampas sa balikat ko.
"Hehe. Ikaw kasi mga tanungan mo, e. Obvious naman tinatanong mo pa. Para mo na ring tinanong kung gwapo ba ako. Sa sobrang obvious hindi ko na kailangang sabihing oo." sabi ko at nag pogi sign pa.
"Whatever, Owen! Mas gwapo pa rin si baby Trev ko sa'yo!"
"Iba na 'yan, Farrah. Masyado kang bias. Hindi porket gusto mo 'yon ay pwede ka ng magsinungaling. Tsk. Tsk." iiling-iling na sabi ko dito kaya't mas lalo siyang naasar.
Ang bilis talagang maasar nito at napakataray pa. Bukod syempre kay Trev. Simula bata palang kami ay gustong-gusto niya na si Trev. Halos lahat naman ay alam iyon. Wala nga yatang nag-aaral dito sa Montgomery University na hindi alam 'yon, e.
Speaking of gago. Nasaan na ba ang monggoloid na 'yon?
"You're so—"
"Mr. Owen Wright!"
Napatigil lang kami sa pagbabangayan ni Farrah ng sumigaw na ang Lec namin sa harap.
Aish. Nagaatendance nga pala. Ang bobo mo talaga, Owen! Bobong gwapo!
Napanguso nalang ako bago harapin ang Lec namin,"Present, ma'am!" pacute na sabi ko dito pero hindi umumbra sa matandang hukluban kaya napakamot nalang ako sa batok ko.
Kunot noo itong inalis ang tingin sa akin at bumaling sa mga kaklase ko.
"Tsk. Yan. Daldal kasi." nang-aasar na bulong ni Ryder sa akin.
"Edi ikaw na tahimik. Ikaw na hindi nalista sa noisy simula elementary." inis na baling ko dito.
Syempre dahil nga parang ikamamatay niya pag marami siyang nasasabi ay hindi na siya sumagot at bumaling sa Lec namin kaya gano'n nalang din ang ginawa ko.
"So, yesterday we—" hindi na natapos ni ma'am ang sasabihin ng may tatlong babaeng pumasok sa classroom.
"Sorry, ma'am! We're late!" energetic na sabi ni Cassidy.
Pinsan ko siya sa mother side pati na si Zachary. Nagulat pa nga ako ng makita ko sila kahapon at nalamang dito pala sila mag-aaral. Huli ko sa kanilang kita ay last year pa noong nagbakasyon kami ng parents ko sa Japan.
Wala kaming lahing hapon, ah. Doon lang ang ibang business ng parents nila kaya nandoon sila. Ang tanging lahi lang namin ay lahi ng magaganda't gwapo.
Nabaling ang paningin ko sa dalawa pa niyang kasama. Hindi pamilyar sa akin ang isa sa kanila dahil sa pagkakatanda ko ay wala siya kahapon.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Walang mababasang emosyon sa kanya na nakatingin lamang sa bakanteng upuan na nasa harap ni Farrah habang nakapamulsa pa ang dalawang kamay sa pants nito. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at bumaling kay Avery Morgan na nakatingin din pala sa akin.
Tsk. Gwapo mo talaga, Owen. Walang kupas!
Bahagya pa siyang nagulat ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad din namang nakabawi at umirap pa. "Doon na ako sa classroom ko, ha! Bye!" rinig kong paalam nito sa dalawa at nagmamadaling umalis.
Hindi ko napigilang mapangisi ng maalala kung paano kami unang nagkita sa parking lot.
Maaga pa n'on nang makarating ako sa university kaya't sisipol sipol pa ako ng bumaba sa kotse ko. Sakto namang bumaba din ang tao doon sa kotse katabi ng sa akin.
"Yow, miss!" sabi ko dito at binigay ang pinakamatamis na ngiti ko.
Mukhang transferee siya dito dahil hindi siya nakasuot ng uniform. Malabo naman kasing bagong teacher dahil masyado pa siyang bata.
Pinagkunutan niya ako ng noo at pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Hinubad niya pa ang suot niyang shades bago muling bumaling sa gwapo kong mukha.
Ngumisi ako, "Bibigyan nalang kita ng picture ko, miss. Para 'di ka na mahirapang tumitig sa akin." sarkastikong sabi 'ko.
Sanay na naman ako sa mga ganyang titigan ng mga babae. Sa loob ng 18 years na nabubuhay ako sa mundo ay tanggap ko na ang pagiging sobrang gwapo k—
"Hoy, miss!" sigaw ko dito ng walang sabi-sabi ay umalis ito at naglakad papalayo sa akin. Nagdirediretsyo lang ito sa paglalakad ng hindi bumabaling sa akin.
Aish. Nawala tuloy sa isip ko 'yung dapat sasabihin ko talaga sa kanya.
"Miss, flat!" sigaw ko na nakapag pahinto sa kanya, "Miss, flat ka!" ulit ko pa at tinuro ang gilid ko.
Nanggagalaiti naman itong bumalik papunta sa akin. "Welcome—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuhudin niya ako sa ano ko!
Oo sa ano ko! 'Nak ng— R.I.P, babies.
"Perv." sabi niya at lumakad na paalis. Napasulyap pa ako sa suot niyang school I.D. bago siya tuluyang makatalikod at umalis habang ako ay naiwang nakahawak pa rin sa parteng tinuhod niya.
Ang sakit, men! 'Nak ng pucha! Ganyan ba siya magpasalamat? Buti nga sinabi ko pa sa kaniya na flat 'yung kotse niya. Nagmamagandang loob na nga na tuhod pa!? Tapos ako pa ang perv!? Ako pa!? Ako pa na natuhod sa ano!?
Paano kung nabasag 'to? Mapapalitan niya ba 'to? Tsk!
Pinanuod ko lang ang paglayo niya sa akin hanggang sa mawala ito ng tuluyan sa paningin ko.
Naalala ko 'yung nabasa ko sa suot niyang I.D.
"Avery Morgan. Nice name." sabi ko sa sarili at napangisi.
"Mukhang maganda ang naalala mo, Mr. Wright, at talagang napapangiti ka pa? Gusto mo bang ibahagi sa klase iyan, Mr. Wright?" bumalik lang ako sa realidad ng marinig na naman ang sarkastikong sigaw ni ma'am na nasa mismong harapan ko na!
Muntik na kong mapasigaw dahil sa mukhang monster na nasa harap ko! Jahe!
Ang mga kaklase ko ay nakatingin lang sa amin ni ma'am bukod kila Cass at sa kasama niya
na nag-uusap habang nakatayo pa rin sa harapan. Tsk. Tsk.
Two points for Wright number 69! Isa nalang ay bebengga na
ako dito kay ma'am. 'Nak ng pucha!
"Hehe wala 'yun, ma'am. Naalala ko lang po 'yung joke na sinend ko sa group chat namin." palusot ko dito at nag peace sign pa.
Pa-irap nitong inalis ang tingin sa akin at naglakad na papunta sa harapan.
Whew.
"You may take your seats, Ms. Cassidy Davis and Ms. Serenity Reese Morris." pormal na baling ni ma'am sa dalawa nang makapunta sa harap ng klase.
Serenity Reese Morris pala ang pangalan noong babaeng hindi manlang ngumingiti. Nagpakilala na siguro 'to kanina pero dahil gwapo ako at malalim ang iniisip ay di ko na napansin.
Sumunod naman ang dalawa sa sinabi ni ma'am at nagsimula ng maglakad papunta sa gawi namin.
"Yow, Cous!" bati ko kay Cassidy.
"Hello, Cousin!" tugon nito. Likas na ata sa lahi namin ang pagiging energetic. Si Cassidy ang living proof.
Ngumiti ako dito at bumaling sa kasama niya, "Hi, Miss. I'm Mr. Wright pero 'di ko sure kung ako ang icing sa ibabaw ng cupcake mo." pilyo akong ngumiti at kumindat pa dito pero hindi manlang ako tinapunan ng tingin nito at nagdiretso sa pag-upo sa bakanteng upuan sa harapan ng upuan ni Trevor na wala kaya si Farrah ang nakaupo doon ngayon.
Whew! Ang haba ng paliwanag ko, ah!
Napabaling ako kay Cass nang tawanan ako nito dahil sa nangyari. Sumenyas siya sa akin ng unlike sign gamit ang kanang kamay niya pagkatapos ay umupo na sa harapan ng upuan ko kung saan siya talaga nakaupo kahapon. Napailing nalang ako.
'Nak ng pucha. Ano bang meron sa mga weird na babaeng 'to. Dalawang beses ng nas-snob ang kagwapuhan ko! Una kahapon, tapos ngayon!
Tumikhim si ma'am kaya tumingin na ako sa kanya. Mahirap na, baka maka three points ako dito at ako na mismo ang ipasok niya sa basketball ring. Masyado akong gwapo para doon kaya tatahimik na ako.
"So, kahapon ang ginawa lang natin ay nagpartner partner para sa activity natin ngayon para sa judo class..." panimula ni ma'am.
"Ma'am, wala pang partner si Reese!" singit ni Cass habang nakaturo pa sa katabi niyang si Reese daw.
Kahapon kasi ay pinagpartner partner kami ni ma'am. Wala akong makapartner dahil pinag-aagawan ako ng mga babae kong kaklase. Sakto namang dumating si Farrah. Nagulat pa nga ako dahil last subject lang ang pinasukan niya. Lakas!
Pero naiintindihan naman 'yon ng mga teacher dahil artista siya pati na si Trev at nagsho-shoot sila para sa bagong movie na pagbibidahan nilang dalawa.
At ang ending, kami ni Farrah ang magkapartner. Noong una ay nagtantrums pa siya dahil ang gusto niya ay si Trev pero sa huli ay pumayag na din.
Aba choosy pa siya? Sa gwapo kong 'to? Owen Wright 'to, uy!
"Oh, I forgot. Wait, I'll check kung sino pa ang walang partne—" at sa pangalawang pagkakataon naman ay natigilan sa pagsasalita si ma'am ng may pumasok sa classroom.
"Sorry, Ma'am. I'm late." sinabi pa nito ang walang tapusang linyahan ng mga laging late. Hindi inintindi ang sasabihin ni ma'am at lumakad papunta sa upuan niya.Napatawa naman ako ng malakas, pero sa isip lang. Mahirap na, baka bugahan na ako ng apoy ni ma'am.
Trevor's POV
"Hi, Trev!" ani Farrah ng makalapit ako sa kanya. Tinanguan ko lang siya bilang tugon at sumenyas na umalis siya sa pagkakaupo sa pwesto ko.
Narinig ko pa siyang bumulong ng kung ano bago padabog na umupo sa katabi ng arm chair ko. 'Di ko na 'yon pinansin at bumaling kila Ryder at Owen. Tinanguan ko lang sila bago umupo.
"Kuys! Kamusta pakiramdam ng mahampas ng baseball bat? Masakit ba?" natatawang tanong ni Owen.
Gago 'to ah. Dapat talaga 'di ko nalang kinwento dito at kay Ryder ang nangyari kahapon, e. Sa kanilang dalawa ko lang kasi sinabi ang tunay na nangyari. Kila manager Mics at sa mga staff na nandoon ay hindi na ako nagkwento. Sabi ko hayaan nalang para 'di na magkaroon ng issue. Nagpumilit pa nga si Farrah na gustong tumawag ng pulis pero sa huli ay wala rin itong nagawa dahil ayaw ko.
"Hindi mo malalaman hanggat di mo nararanasan. Hampasin na ba kita ng baseball bat mamaya?" asar na tugon ko dito pero nagulat ako ng hindi ito sumagot. Diretsyo lang ang tingin niya sa harapan kaya napatingin din ako sa harapan.
Napalunok ako nang makita ang Lec sa harapan na kulang nalang ay umusok ang tenga at ilong sa sobrang pagkainis habang nakatingin sa amin.
"Mr. Salvatore, naintindihan mo ba ang sinabi ko?" galit na tanong nito sa akin.
Init naman ng ulo ni, ma'am. Sino ba bumadtrip dito? Pakisapak! Sa'kin tuloy nabubunton ang galit.
Napakamot ako sa batok ko bago sumagot, "No, ma'am. Can you repeat it?" alanganing tanong ko.
Huminga muna ito ng malalim na parang nagpipigil ng inis, "Mr. Salvatore, ang sabi ko ay partner mo sa judo class si Ms. Morris. Bibigyan ko kayo ng 10 minutes para magbihis ng uniform at didiretsyo kayong magkakaklase sa gym. Do you understand now, Mr. Salvatore?" mahabang pahayag nito na galit pa rin ang tono.
"Yes, ma'am." tanging sagot ko.
Inasar pa ako ni Owen ng makalabas si ma'am ng classroom kaya't inambahan ko siya ng suntok.
"Chill, kuys. Kaya ka natatamaan ng bat, e." nanunuyang anito.
"Ulul mo, Owen." sabi ko dito at umamba ulit ng sapak pero pumagitna na samin si Ryder.
"Tama na 'yan. 10 minutes lang bigay sa'tin ni ma'am para magbihis." ani Ryder.
Psh. Sa aming tatlo ay si Ryder talaga ang pinakamatino. Si Owen naman ang pinakagago. At ako? Syempre ako ang pinakagwapo.
Nag-makeface lang si Owen kay Ryder pero si man of few words ay di na nagsalita. Nanguna siya sa amin papunta sa locker room kaya sumunod nalang kami ni Owen sa kaniya. Nagulat ako ng nakasabay pala sa amin si Farrah sa paglalakad na nakasimangot pa din. Mabuti na 'yan kaysa nangungulit siya. Hanggang sa marating niya ang locker room ng mga babae ay hindi na ako kinausap. Nagkibit balikat nalang ako.
Habang naglalakad ay naalala ko 'yung sinabi ni ma'am, "Sino 'yung Morris, kuys?" tanong ko kay Owen.
Wala naman kasi kaming kaklase na Morris ang apelyido dati at 'di ko rin iginala ang paningin ko sa room kanina kaya wala akong napansing bago.
"Partner mo sa judo class, kuys." sagot nito kaya binatukan ko siya.
Saya talaga nito kausap, e. Sa sobrang saya lagi mong mababatukan.
"Gago alam ko. Kaya nga tinatanong ko kung sino 'yon!"
"Aray ko naman 'nak ng—" tumigil siya sa sasabihin ng tingnan ko siya ng masama, "Hehe. 'Di ko rin kasi kilala, kuys! Transferee yon." sagot nito.
Hindi na ako umimik dahil iniisip ko kung sino iyong Morris na 'yon.
Nang makarating kami sa locker room ng boys ay agad na akong nagbihis ng uniform pang judo. Papalabas na ako ng banyo ng may malaglag sa bulsa ng hinubad na pants ko.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay kahapon ay nakita ko pa ang bracelet na naiwan sa kamay ko. Nalaglag ata iyon sa babae kahapon ng higitin ko ang palapulsuhan niya.
Simple lang at walang disenyo ang kulay gray na bracelet bukod sa naka engraved sa likod n'on na Sylvia C.M.
Napangiti ako at pinulot iyon. Naalala ko na naman siya. Those black eyes.
Simula kahapon ay hindi na siya mawala sa isip ko. Ni hindi nga ako masyadong makatulog dahil sa kaiisip sa kaniya.
Kung ano ang ginagawa nila doon kahapon. Kung ano ba siya. Kung magkikita pa ba kami ulit. Kung sino ba siya.
Paulit-ulit lang na tumatakbo sa isip ko ang mga iyan kasabay ng imahe niya na nakatitig sa akin.
Damn, Sylvia.
Bakla man pakinggan pero pakshet... I think I'm in love.
—*—*—A/N:
sabaw ud hehe. anyways eto pala mga accounts sa twitter ng mga characters. follow niyo sila. (*^▽^*)
@SerenityMrrs
@SalvatoreTrev
@DavisCassidy_
@AveryMorgan__
@OwenWright__
@RyderHudson_
@YoungNicholas__
@daviszachary_
@FarrahSwanson_
@SalvatoreTracyyou can also follow me hehe
@ladysarang_kamsahamnida! ~(^◇^)/
BINABASA MO ANG
She's a Beauty and a Beast
ActionTrevor Salvatore was a famous action star. With those deep-set of eyes, perfect angled nose, thick brows and lashes, kissable lips and prominent jaw, who wouldn't drool? Wait, who? Serenity Reese Morris, everyone. A girl that has a beautiful face w...