Chapter 5

198 78 55
                                    

Chapter 5

Cassidy's POV

Kasalukuyan kaming nagju-judo ng kapartner kong si Ryder Hudson na kanina pa walang imik. Umaatake lang siya sa akin pero walang reaksiyon ang mukha niya at di manlang nagsasalita. Sinusubukan kong mag open ng topic sa kaniya para hindi naman awkward 'no! Pero ang lolo mo ayaw talaga magsalita.

Ano ba naman ito! Napapaligiran ako ng mga tahimik na tao! Nagpapaka-friendly na nga ako, choosy pa! Hmp!

Grabe para siyang boy version ni Reese. Hindi pala-salita. Walang pakealam sa mundo at lagi lang naka-poker face! Mapapanisan ako ng laway sa lalaking 'to! My God!

"Ang tahimik mo naman, Ryder! Grabe. Paano ka nakakatagal ng hindi nagsasalita? O, hindi ka talaga marunong magsalita? Say, "ah". A-pple-" balak ko pa sana siyang turuan ng mga basic words pero napatigil ako nang subukan nitong higitin ang braso ko. Mabuti at agad ko iyong nasalag. Akala ko ay iyon lang ang gagawin niya pero nabigla ako ng higitin niya ulit ang isa ko pang braso na hindi ko na naiwasan sa bilis ng kilos niya. Ipinatong niya ang braso ko sa balikat niya bago tumalikod at buong pwersang binuhat paitaas ang katawan ko para maibalibag. Dumaan pa ang katawan ko sa balikat niya bago pahigang bumagsak sa sahig.

Woah. Wrap around throw.

"Masyado kang maingay." anito at ngumisi. Nakatayo siya sa bandang ulunan ko.

"Masyado kang mayabang." ginaya ko pa ang tono ng pananalita niya kanina at ngumisi din. Papatalo ba naman ako?

Tiningala ko siya at ipinulot ang dalawa kong braso sa kanyang binti. Iniliyad ko ang bahaging likuran at puwitan ko para maabot ng mga binti ko ang hita niya. Agad ko ring ipinulot ito doon ng maabot ko ito bago ko siya buong pwersang hilahin. Dahilan para pahiga din siyang bumagsak sa sahig.

Lock leg, bitch. Ha!

Tumayo ako at nagpagpag ng kamay habang nakatingin kay Ryder. Ginawaran ko siya ng pinakamayabang kong tingin habang lumalapit sa kanya na nakaupo na sa mat.

Nilagpasan ko lang siya at muling ngumisi pero hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko ang sipa sa likod ng binti ko. Dahil doon ay na-out of balance ako at muntik na namang mapahiga sa sahig. Pero hindi iyon nangyari dahil may sumalo sa akin.

Pagtingin ko kung sino ito ay walang iba kundi si Ryder Hudson!

Ang sarap naman talagang ma-fall kapag triceps at biceps ang sasalo sa'yo!

Infairness, ha. May iga-gwapo pa pala ang mukha niya. Kung kanina ay gwapo siya. Ngayong malapitan ay mas gwapo pa siya. Kaloka-

"Farrah!" agad kaming napalingon sa gawi ng sumigaw.

Iyong partner pala ni Ree-

Naramdaman ko ang tigas ng mga interlock mats nang bumagsak ako dito!

Anak ng violet na palaka naman, oh! Bastusan? Bitawan ba naman ako ng Ryder na iyon? Hayop! Sino nagsabi na gwapo iyon? Sino!? Hindi siya gwapo! Mukha siyang autistic na aso! Leche!

Tumayo na ako agad at sinundan ng tingin si Ryder na nagmamadaling lumapit doon sa gawi noong sumigaw.

Makiki-chismis pa ata ang gago.

Sisigawan ko na sana si Ryder sa katarantaduhan niya nang mapansin ko si Reese na nakahawak sa braso ng babae na nakataas sa ere. Napansin ko din na namumula ang kanang pisngi ni Reese. Pagtingin ko sa gilid nila ay nandoon ang partner ni Reese na nakaupo sa sahig habang ang isang kamay ay nakahawak sa ilong.

E, anong nangyayari?

"Iyong una ay papalagpasin ko pa, pero ang pangalawa ay sobra na. Kapag umabot pa sa tatlo ay humanda ka na dahil kapag ako ang nanampal nasa ere palang ang kamay ko nasasaktan ka na." kalmadong sabi ni Reese pero ramdam ko ang diin noon.
Pagkatapos mag bitiw ng linya ay nilagpasan niya na ang babae na hindi na nakasagot.

She's a Beauty and a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon