Ikaw, siya at ako
Ikaw yung tipo ng taong sobrang hirap bitawan
Ikaw yung tipong kaya kong ipaglaban
Kaya kong ipaglaban hanggang kamatayanIkaw, siya at ako
Siya. Siya yung tipo ng babaeng maganda, matangkad, maputi at iba pa
Yung tipo ng babaeng makakantahan mo na ng 'nasa 'yo na ang lahat', hindi ba?
Higit sa lahat, siya yung babaeng mahal na mahal ni ikawIkaw, siya at ako
Ako. Ako yung tipo ng taong paulit-ulit mo mang saktan
Mamahalin ka parin ng lubusan
Ako yung tipo ng taong laging nandyan
Laging nandyan sa tuwing ika'y nahihirapan
At ako, ako lang naman yung nagmamahal sayo pero sinasaktan moIkaw, siya at ako
Teka-nagmumukha na akong kabit dito
Nagmumukha na din akong tanga
Tanga dahil lagi na lang akong pangalawaIkaw, siya at ako
Pwede bang sayo na lang ako at akin ka na lang?
Pwede bang 'ikaw at ako' na lang at wala ng 'siya'?
Pwede bang 'tayo' na lang at wala ng 'kayo'?Ikaw, siya at ako
'ikaw' na minamahal ng sobra ni 'siya'
'siya' na minamahal ng sobra ni 'ikaw'
At 'ako' na sinasaktan niyo lang sa tulang ito.Ikaw, siya at ako
Paalam 'ikaw'
Paalam mahal
Dahil alam kong hindi na si 'ako'
Kasi si 'ikaw' at 'siya'
Ay para talaga sa isa't isa.-
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...