2 | Mahal Kita, Pero Ayoko Na

17K 214 30
                                    


Simulan natin sa umpisa. Sa umpisa kung saan tayo unang nagkita.

Umpisa, eto yung mga panahong ako'y wasak pa dahil sa isang lalaki. Eto yung mga panahong ako'y sawa ng umasa sa mabubulaklak na salita. Eto yung panahong, nakilala kita.

Nung unang beses na nasilayan ka ng aking dalawang mata, sabi ko sa sarili ko, 'Ikaw na ba si Mr. Right?' nakakatawa pero simula palang nabihag mo na ang aking kaluluwa.

Dumako tayo sa pangalawa. Tayo'y naging magkaibigan. Oo ganoon kabilis at tayo'y naging malapit na sa isa't isa. Sobrang gaan ng loob ko sayo na para bang lahat ng kwento, lahat ng scenaryo, lahat ng kaganapan, ay maaari kong ibahagi sayo.

Eto naman ang pangatlo, nagsisimula ka ng magparamdam. Mag paramdam na para bang gusto mo na ako. Syempre ako tong si tanga, umasa naman sayo. Eto yung mga panahong ang dami mong sinasabi na nakakapagpalago ng aking nararamdaman sayo. Hanggang sa sinabi mong ika'y nahulog na at tinanong mo ako kung ako rin ba...nagpadala ako sa agos ng aking nararamdaman at umoo sa tanong mong 'pwede bang tayo na lang?'.

Pangapat, dito tayo nagsimulang magpangakuan. Dito tayo nagsimulang mangarap ng magkasama at nagisip ng mga ideya kung anong mangyayari sa kinabukasan nating dalawa. Sabi pa nga natin sa isa't isa ay hanggang kamatayan, tayo paring dalawa at hindi ka mabubuhay ng wala ako sa iyong tabi na para bang ako ay iyong hangin na kapag umalis ako, wala ka na rin. Sobrang saya natin sa pangapat. Ngunit, lahat pala ay may hangganan.

Dahil eto na ang panglima..pakiramdam ko'y ayaw ko ng ituloy ang tulang 'to. Dahil dito sa panglima...nagsimula na tayong magkalabuan. Na tila ba lahat ng pangako natin sa isa't isa ay napako na. Na tila ba lahat ng pangarap nating magkasama ay naglaho na. Na tila ba ang sinasabi mong walang hanggan ay hanggang dito na lang.

Panganim...wala na. Ang relasyon natin ay tuluyan ng naglaho ng parang bula. Naglaho na para bang ako'y wala lang sayo. Ako'y gulong gulo ng sinabi mong 'ayoko na...tigilan na natin ito'.

Pangpito...diba sabi mo sa pangapat ako ang hangin na nagbibigay buhay sayo? Yung tipong mamamatay ka kapag wala ako? Eh tngna mo pala bakit buhay ka parin sa pangpito? Dahil dito sa pangpito...ika'y bumalik. Bumalik na para bang walang nangyaring gaguhan sa pagitan nating dalawa. Bumalik ka at sinabi mong 'Ako'y nagkamali pala'. Isa lang ang rumehistro sa aking isipan nung mga panahong iyon... Rumehistro sa aking utak ang dahilan kung bakit ka bumalik. Bumalik ka..dahil iniwan ka niya. Oo. Alam ko ang tungkol sa kanya. Iniwan ka niya kaya bumalik ka sa akin. Sabi mo panga'y 'Mahal..patawad. Mahal na mahal kita.' eh tangina mo pala eh, kung mahal mo ako..lolokohin mo ba ako? Kung mahal mo ba ako mamahalin mo ba siya? Kung mahal mo ako papalitan mo ba ako? Kung mahal mo ba ako gagaguhin mo ba ako? At kung mahal mo ba ako...iwan mo ba ako?

Oo mahal kita. Mahal kita, pero ayoko na. Sabi nga nila, 'Once is enough and twice is too much'. Kaya paalam mahal. Sapagkat ayoko ng masaktan muli dahil alam nating pareho na bandang huli, sakit ang magwawagi.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon