Umasa O Pinaasa?
By: CaitlinAng sarap umasa no?
Lasang tanga.
Pero umasa ka nga ba?
O pinaasa ka lang niya?Ang alam mo binigyan ka nya ng sandamakmak na motibo
At ayun, ikaw ang talo.
Talo sa larong ginawa niyo.Pero malay mo,
Ikaw lang ang umasa
Normal lang pala ang kaniyang ginagawa
Para sa kaniyaPero ikaw naman si tanga,
Umasa
Kahit di pinaasa
Maninisi na lang mali-mali paSaan nga ba sa dalawa?
Ako'y litong lito na.
Ang sabi nila 'Umasa dahil pinaasa'
Ang sabi naman ng iba 'Walang magpapaasa kung walang aasa.'Saan nga ba
Ang gulo diba?
Nasaktan ka ba talaga dahil nagbigay siya ng motibo?
O dahil ika'y umasa dito?-
Napost ko na din ito dati, inedit ko lang 😜.
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...