Pansamantala
By: CaitlinPansamantala,
Hindi alam na ika'y sandali lamang
Sana naman ay iyong sinabi
At sana'y ika'y nagpaalamPansamantala,
Pansamantalang kasiyahan lang pala ang iyong ipinadama
Umasa ng sobra
Hindi mo ba nakikita?Pansamantala,
Pansamantalang ligaya
Na pinalitan agad ng napakalungkot na istorya
Dapat sa simula pa lamang ay sinabi mo naPansamantala,
Tila ika'y nagsawa na
Sa ating pagmamahalan
Na parang inaamag na dahilanPansamantala,
Ako'y hindi nakapaghanda
Umalis ka kaagad ng biglaan
Hindi ba pwedeng ipagpaliban?Pansamantala,
Pwede bang dahan dahan?
Masyado naman kasing nakakabigla
Ang iyong paglisanPansamantala,
Hindi mo ba napansin
Na tumigil ang tibok ng aking puso
Ng malaman na ayaw mo na sa akin?Pansamantala,
Akala ko'y habang buhay na
Mahal, hindi ko kaya
Na mawalay kaPansamantala,
Na parang habagat na dala
Dumaan lamang sa kwento
Hindi man lang nagtagal ditoPansamantala,
Sana sa susunod ay may magtagal na
Dahil hindi ko na kakayanin pang
Masaktan ng pangalawa-
Lol 👧
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...