19 | Dati

4K 37 0
                                    

Dati,
Isang salitang puno ng ala-ala.
Pilit mang kalimutan,
Hindi man lang mapigilang balik-balikan.

Dati,
Isang salitang sobrang sakit pakinggan
Dahil naaalala ang ating nakaraan,
Nakaraan na hindi na dapat tignan

Dati,
Ang storya natin ay parang iyong dati kong paboritong musika
Dahil kahit solo ko pa,
Hindi ko na kinakanta

Dati,
Tapos na.
Ngiti,
Wala na.

Dati,
Laging binabanggit ng aking labi
Dahil hindi makalimutan ang nangyari noon,
Magpahanggang ngayon

Dati,
Ang umpisa'y napakaganda.
Ngunit nasa huli pala ang totoong istorya,
Wakas na napakasakit pala

Dati,
Hindi matanggal sa aking isipan
Miski mo ang mga dahilan
Mga dahilan kung bakit ganoon na lang ang ating naging hantungan

Dati,
Akala ko masaya ang ating wakas
Dahil nagmahalan naman tayo ng wagas
Ngunit para lang pala akong nagwaldas

Dati,
Itinuturing na malaking kahihiyan
Isang malaking kasalanan
Dahil tayong dalawa ay nasaktan

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon