Nainspire sa GGV (Sept. 17)
-
Kaya Ko Ng Wala Ka
By: CaitlinSasabihing kaya ko na
Kaya ko na ng wala ka
Kahit nasasaktan na talaga
Tuwing kayo'y nakikitaHindi sanay ng wala ka
Pero sasabihing kaya ko na
Dahil alam kong wala na
Wala na tayong pagasaGigising ng madaling araw
Iisipin ang ako at ikaw
Ngingiti dahil naaalala ang tayo
Kaso biglang luluha dahil naalalang natapos na ang duloUna pa lang ay alam kong mawawala ka
Pero ako'y sobrang tanga
Umasa ako sa iyo
Na mananatili ka ditoUmasa ako sa wala
Dahil bigla kang nawala
Kakayanin kahit wala ka na
Oo na lang kahit hindi talagaAng tanong na "kaya ko pa ba?"
Ay parang isang problema sa Algebra
Nag dadalawang isip kung anong isasagot
Teka, may isasagot pa ba?Kaya ko ng wala ka
Kahit di naman talaga
Pipilitin na lang dahil wala ng dahilan
Para di ka pa pakawalanKakayanin kahit hindi kaya
Papakawalan kahit mahal na mahal ka
Papalayain kahit gustong kong ika'y dito
Lalayo kahit gustong lumapit sayo
-︶︿︶ (个_个)
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoesieCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...